Melissa Ricks, ibinahagi ang simple at intimate wedding nila ng kanyang non-showbiz fiancè sa California

Isa na ngayong ganap na maybahay ang ‘Star Circle Quest’ alumna na si Melissa Ricks matapos siyang ikasal sa kanyang non-showbiz fiancè na si Michael Macatangay nitong May 23. Simple at intimate ang naganap na kasalan sa pagitan nina Melissa at Michael sa California, U.S.A.

Ibinahagi ni Melissa sa kanyang Instagram account ang ilang highlights ng kasal nila ni Michael na ginanap sa isang chapel sa California. Saksi naman sa pagpapalitan ng ‘I Do’ nina Melissa at Michael ang 15 nilang bisita.

 

Para sa detalye ng kanilang kasal, ikwenento ni Melissa na tatlong linggo lamang ang kanilang naging paghahanda. Ayon pa kay Melissa, naging katuwang nila ang kanilang mga kaibigan at kapamilya sa Amerika para maging matagumpay ang pag-iisang dibdib nila ni Michael.

Samantala, masaya namang idinaos ng newlywed couple ang kanilang wedding reception sa malawak na bakuran ng bahay ng stepfather ni Melissa. Bahagi ni Melissa sa Instagram,

“Our Wedding. Our special day made special by my closest friends and relatives here in California in only 3 weeks! I woke up early, hubby cooked breakfast, we went to the grocery to get some snacks and soda for the guests, went through the drive thru at jack in the box to get churros and tacos, then proceeded home to get ready.”

 

“I did my own hair and makeup, zipped myself into my gown, drove down to the chapel, had a simple ceremony with 15 people. Afterwards we had the reception in my step dads backyard💕 couldnt get any simpler than that,” dagdag pa ni Melissa.

Sa mga letratong ibinahagi naman ni Melissa sa kanyang Instagram, mababanaag sa mukha nila ni Michael ang kasiyahan. Pinuri rin ng maraming netizens ang napakagandang wedding gown ni Melissa na ginawa ng isang Batangas-based designer. Ini-reveal ni Melissa na minadali ang paggawa ng kanyang wedding gown.

Ani Melissa, “I honestly didnt know what I wanted to wear, what I knew is I wanted it Simple and comfortable, and thats exactly how it was! Actually, Michael had more participation on my gown, from the fabric choice, to design! Love how hands on he was! Can you believe He talked to Lauren before I did!

Haha Thank you Batangas Based designer @laurenbabyrabe and @laurenberberabedesigns for making me my dream gown in a “rush” 🤣✌️Thank you for all the Love and support!”
Matatandaang na-engage sina Melissa at Michael noong August 2020.