Meryll Soriano, masayang nagdiwang ng father’s day sa napakagandang resort ng kanyang ama na si Willie Revillame

Sino nga ba ang hindi makakilala sa napakabait at napaka- galing na TV host na si Willie Revillame. Kilalang- kilala rin ang kanyang mga naging show sa Philippine television tulad ng Wowowin.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Hindi lamang isang magaling na TV host si Willie dahil isa rin itong magaling na comedian, singer, songwriter, aktor, businessman at isa ring mabait na ama sa kanyang mga anak tulad nina Meryll Soriano na anak niya kay Bec-bec Soriano at Juan Emmanuel Revillame na anak niya kay Liz Almoro.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Halos buong linggo napapanood si Willie Revillame sa telebisyon dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa paghahatid ng saya at pag- asa sa bawat Pilipino na nanonood sa kanyang show na Wowowin.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Kahit na busy si Will sa pag- papasaya at pag- bibigay ng pag- asa sa ibang tao ay hindi naman niya nakakalimutan ang kanyang pamilya. Sa totoo lamang ay napapanatili nito ang magandang relasyon niya sa kanyang mga anak kahit na may iba’t iba itong mga ina.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Kamakailan- lamang ay ibinahagi ng kanyang anak na si Meryll Soriano ang isang Father’s Day Special na vlog sa kanyang sariling Youtube channel na ngayon ay may 170K subscribers na.


Credit: Meryll Soriano Youtube

Sa unang parte ng vlog ay nagbahagi si Meryll ng mga raw shots ng kanyang video habang dinig na dinig kung gaano ka supportive si Will sa pagvi- video ng kanyang vlog at mapapansin kung gaano maging stage dad ito sa anak dahil tinuturan pa nito kung ano ang sasabihin ni Meryll sa introduction nito.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Napagdesisyunan ng pamilya na sa kanilang bagong private resort sa Puerto Galera magdiwang ang mga ito ng Father’s Day kaya naman ang mga anak ni Will ay kumpleto tulad nina Meryll Soriano, Marimonte Revillame at Juamee Revillame. Kasama rin ni Will ang kanyang mga apo kay Meryll na sina Elijah at ang six-month-old na si Gido.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Sa vlog ni Meryll ay nagbigay ito ng tour sa kanilang napaka- gandang private resort kung saan makikita sa buong video na karga- karga ni Will ang kanyang bunsong apo na si Gido.
Ipinakita rin ni Meryll kung saan laging nagre- relax ang kanyang ama upang mag- isip ng mga content para sa show nitong Wowowin. Ilang beses ding nabanggit ni Meryll kung gaano ito kasaya na kasama niya ang kanyang ama sa Father’s Day.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Ibinahagi ng magkakapatid kung paano sila nagbobonding ng kanilang ama. Ang anak nitong si Juamee ay ang pagbo- boating, jetski at pag- pilot ni Will sa kanilang helicopter ang kanilang nagiging bonding mag- ama.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Ibinahagi rin ng panganay na anak ni Meryll na lagi nitong binibisita ang ama kapag wala ang kanyang tatay at inaming tinuturing na niya ito bilang tatay kaya naman gusting- gusto nitong kasama si Will.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Napaka- special talaga ng araw na iyon dahil bihira lang magsama- sama ang mga anak ni Will sa iisang lugar upang makasama niya ang mga ito at makapag- bonding dahil malalayo pa ang pinanggalingan ng bawat isa.

Credit: Meryll Soriano Youtube

Ipinakita sa vlog ni Meryll kung gaano kaganda ang kanilang pag- sasamahang pamilya at kung gaano ka- ganda ang relasyon ng bawat isa sa kanila katulad kung gaano ka- ganda ang kanilang bagong bahay sa Puerto Galera.