Meryll Soriano, may masayang pagbati para sa kaarawan ng kanyang partner na si Joem Bascon

Nitong buwan ng Agosto ay nagdiwang ng kaarawan ang isang kilalalang batikang aktor na si Joem Bascon. Hindi naman ipinalampas ng kanyang partner-sl@sh-ina ng kanyang anak na si Meryll Soriano ang espesyal na araw na ito para sa kanyang partner na si Joem pati na rin sa kanya.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinarating niya ang kaniyang greeting sa ama ng kanyang bunsong anak na si Gido. Binati niya si Joem Bascon sa kanyang Instagram kung saan ibinahagi niya sa post ang dalawang captured family pictures nila habang nakaupo sa hagdan.

Credit: Meryll Soriano instagram

Makikita sa unang picture sina Meryll, Joem, at anak nilang si Gido.
“Happy birthday, Mahal! Happy birthday, My OG Boo!” ang panimula ni Meryll sa birthday greeting niya para sa kanyang partner in life. Maaalalang ang dalawa ay dati nang magkasintahan na naghiw@l@y noong 2009. Pagkatapos ng 11 years ay nagkabalikan ang dalawa.

Credit: Meryll Soriano instagram

“Surrounded by good men. Surrounded by love. Me and this little hooman are lucky” ang dagdag niya naman sa caption na may tatlo pang heart emojis sa bandang dulo ng message. Makikita sa pangalawang picture na napapalibutan talaga siya ng mga lalaking mahal niya at mahalaga sa kanyang buhay.

Credit: Meryll Soriano instagram

Makikita sa captured photo na iyon si Meryll kasama ang kanyang partner na si Joem at dalawa niyang mga anak na sina Elijah at Gido. Si Elijah ay ang panganay na anak ni Meryll sa former partner niyang si Bernard Palanca. Mapapatunayan namang maganda ang nabubuong relasyon kina Joem at Elijah na tila sila lamang ay magbarkada.

Credit: Meryll Soriano instagram

Masasaksihan sa iba pang post ni Meryll na sila ay madalas nagkakasama. Matatandaan namang sinorpresa nina Meryll at Joem ang kanilang mga tagahanga at iba pang mga netizens noong unang araw ng 2021 nang magpost si Meryll ng picture nila ni Joem na may kasamang newborn baby, ang first baby nilang si Gido.

Credit: Meryll Soriano instagram

Ito ang naging kumpirmasyon sa mga rum0rs na kumalat noong 2020 na sila nga ay nagkabalikan.
Si Gido ngayon 8 months old na. Mapapansin ang unti unti niyang paglaki sa mga pictures niyang ibinabahagi ng kanyang mga magulang sa social media.

Credit: Meryll Soriano instagram

Talaga nga naman lalong masaya si Joem ngayong birthday niya lalo na at first time niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan bilang isang ganap na ama.

Credit: Meryll Soriano instagram