Mga mommies, relate na relate sa post ni Ryza Cenon at kung gaano sila napapagod bilang isang ina

Maraming netizen ang tila natuwa at pumuri sa recent instagram post ng dating kapuso atress na si Ryza Cenon matapos nitong ibahagi sa kanyang social media acount ang tila behind the scene na kuha ng kanyang isang picture sa instagram.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Sa unang larawan ng aktres na pinost niya noong January 15, makikita na peaceful silang magkatabi na natutulog ng kanyang cute na cute na baby boy na si Night at kinabukasan nagpost ulit ang aktres ng picture kung saan makikitang tila nag seselfie ang kanyang boyfriend na si Miguel Antonio Cruz at silang dalawa ng kanyang baby ay tulog na tulog sa background.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Inilahad ng aktres sa kanyang caption na “Ito talaga ang totoo sa likod ng picture ko. B@gsak po ‘ko sa pagod”. Sa larawang ibinahagi ng aktres samut saring papuri ang icinomment ng netizens. Madami ang mga mommies na tila nakarelate sakanya at sinabing nakakapagod talaga ang mag alaga ng bata pero sobrang worth it naman daw.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Sinabi rin ng mga netizens na hinahangaan nila ang aktres dahil ang pagod niya sa pagaalaga ng bata ay nangangahulugan na unconditional love para sakanyang anak.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Meron ding ilan ang nagsabi na mabilis lang raw ang ganitong phase sa pagiging mommy at siguradong mamimiss niya ito pag lumaki na ang kanyang baby Night.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Maaalalang July 2020 ng ibinahagi ng aktres ang kanyang 5 months pregnancy sa kanyang social media post na gumulat sa kanyang mga fans at October 31 naman nito isinilang ang kanyang healty baby boy.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Ngayong 2 months na si Night, siguradong marami ang sleepless night ng actress pero ganun pa man, lutang parin ang pagiging pretty ni Ryza. Kitang kita rin sa instagram account nito ang kanyang pagiging proud mommy dahil mula ng isinilang niya ang kanyang baby, lagi na itong laman ng kanyang mga posts at stories.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram