Mga netizens, napansin ang magagandang litrato ni Jillian Ward

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa Kapuso child star na si Jillian Ward? Siguradong maraming netizens at mga all time viewers ng GMA network ang nakaka-kilala sa aktres na si Jillian Ward dahil madalas itong mapanood sa mga kilalang teleserye at mga tv commercials noon.

Credit: Jillian Ward instagram

Matatandaang sa murang edad ay pinasok na ni Jillian Ward ang mundo ng showbiz. Nagsimula ito sa mga TV commercials at hindi kalaunan ay nagkaroon ito ng kanyang sariling lead role nang maging parte ito ng remake ng kilalang classic film na ‘Trudis Liit’.

Credit: Jillian Ward instagram

Simula nang gumanap ito sa nasabing serye ay tumatak sa puso at isipan ng mga netizens ang kanyang naging role dahil sa kanyang ipinakitang galing at talento sa pag-arte kahit na bata pa lamang ito. Kaya naman maraming netizens ang kinagiliwan ito at nagkaroon din ito ng maraming taga-hanga.

Credit: Jillian Ward instagram

Kaya naman hindi na nakakapag-takang hanggang ngayon ay napapanood pa rin ito sa GMA network at patuloy na ipinapakita ang kanyang galing sa pag-arte. Mapapansin na simula noon ay mas maraming oportunidad at proyekto ang nagbukas para kay Jillian upang maipamalas pa niya ng husto ang kanyang talento.

Credit: Jillian Ward instagram

Ngunit napaka-bilis nga naman dumaan ng panahon dahil ang dating kilalang Trudis Liit ay dalagang-dalaga na ngayon. Makikita sa Instagram account ni Jillian na madalas itong magbahagi ng kanyang mga magagandang letrato.

Credit: Jillian Ward instagram

Mapapansin kung gaano na ito ka-dalaga ngayon dahil siya ay 16 years old na at kamakailan-lamang ay umani nang maraming reaksiyon ang kanyang post sa kanyang Instagram account. Ang teen actress ay nagbahagi ng kanyang letrato habang naka-suot ito ng anime-style schoolgirl uniform na bagay na bagay nito. Mapapansin sa letrato na talagang dalaga na ito dahil mas lumabas ang kanyang natural na ganda.

Credit: Jillian Ward instagram

Nagmukha pa itong manika dahil sa kanyang anime schoolgirl inspired na damit lalo na at mayroon itong napaka-gandang kutis at balat. Marami namang netizens ang nagbigay ng magagandang reaksiyon sa letrato nito.

Credit: Jillian Ward instagram

Talaga namang lumaki ito bilang napaka-gandang bata at tiyak na mas lalo pang lalabas ang kanyang ganda dahil mas magma-matured pa ito sa pag-lipas ng panahon. Hindi lamang lumaking maganda si Jillian dahil mas naging magaling pa ito sa pag-arte na naipatunayan niya nang maging parte ito ng afternoon prime series na ‘Prima Donnas.’