Michael V, ibinahagi ang isang throwback nyang litrato bilang isang singer/rapper

Paano nga ba makukumpleto ang showbiz kung wala ang mga comedian na nagpapasaya sa atin?
Puno tayo ng tawa at halakhak dahil sa kanila. Nawawala at napapawi ang lungk0t at hirap ng buhay sa saya na kanilang ibinibigay.

Kilalang magaling na komedyante ang aktor, comedian at host na si Michael V. Mula pa man noon, napapanood na si Michael V o ang kanyang pangalan na si Beethoven Del Valle Bunagan. Napapanood si Michael V sa long running TV program na Bubble Gang.

Credit: @michaelbitoy instagram

Mula noon hanggang sa ngayon, marami nang napapasaya si Michael V. Nagsimula ang karera ni Michael V. sa singer and rapper sa ilalim ng OctoArts records sa 1991.

Akala ng iba’y komedyante lang si Michael V. Pero di alam ng marami na ang kanyang humble beginnings ay bilang isang singer at rapper. Unang na release ang debut single nila na
“Maganda Ang Piliin (Ayoko Ng P@nget)”.

Credit: @michaelbitoy instagram

Ito ay ang response song ni Michael V. sa rapper na si Andrew E sa kanilang hit single na “Humanap Ka Ng P@nget” na na release isang taon bago ito. Noong January 20, ibinahagi ng multi-awarded artist ang isang throwback photo sa isa sa kanyang mga magazine covers sa parehong taon noong single nito na 1991.

Credit: @michaelbitoy instagram

Makikita sa magazine cover ang 21-year-old Michael V na isang ‘90s rapper gear. Sa kanyang throwback caption, mababasa dito ang salitang, “Young Once.”

Credit: @michaelbitoy instagram

Isa nga naman sa mga kay sarap balikan ay ang mga panahong ito na nagsisimula pa lamang si Michael V. Ilan ito sa mga pasilip ng humble beginnings ni Michael V. na kung saan makikita na mula sa pagiging rapper, ngayon siya na ang isa sa mga nakakatawang komedyante at primyadong aktor at komedyante ngayon.

Credit: @michaelbitoy instagram

Pero, kahit gaano man kasikat si Michael V, nanatili ang kanyang mga paa sa lupa at hindi makikita ang kahit na anong kayabangan.