Michelle Madrigal, pinasilip ang kanyang magandang bahay sa Amerika

Nakilala si Michelle Madrigal bilang finalist noon sa Star Circle Quest (SQC). Ngayon, siya ay nasa Austin, Texas kasama ang kanyang asawang si Troy Woolfolk at anak na si Anika.
Pagbukas ng pinto, makikita sa kanyang vlog ang Money Tree na nagiging good luck charm sa bahay.

Credit: Michelle Madrigal instagram

Makikita naman sa first floor ang opisina, dining area, at kusina ng kanilang bahay.
Sa kusina, ay punong puno ng mga recipe books, stove, oven at ref.Pagdating sa sala, makikita ang mga white couches na nagiging entertainment area na rin.

Credit: Michelle Madrigal instagram

Tatlong kwarto naman ang nasa ikalawang palapag. Una ay ang para kay Baby Anika na may personalized house bed pa.Samantala, ginagawa pa rin ang guest room pero maaari na itong tulugan. To follow na lang ang mga aayusin at idadagdag pa rito.

Credit: Michelle Madrigal instagram

Makikita naman ang bathroom na mayroong napakagandang mga lights.Sa mud room, ay makikita naman ang kanilang mga bags. Habang sa laundry room ay may 2 washing machines.

Credit: Michelle Madrigal instagram

Sa master’s bedroom, ay punong puno ito ng mga artworks. Samantalang sa closet ay hindi na magkasya ang kanilang mga damit sa dami ng mga ito.Sa likod, ay talagang ma rerelax ka sa Patio na kung saan may sofa at outdoor view. Sobrang laki ng space dito na napuno na ng backyard grass at planong bigyan ng pool.

Credit: Michelle Madrigal instagram

Narito naman ang mga komento ng mga netizens na talagang na amaze sa gandang bahay na ito.

Credit: Michelle Madrigal instagram

“You don’t have to apologize for the kalat. Heheh. I like watching “real” house tours like this. It’s raw and we live with kalat everyday specially with little kids running and playing all day long.””When you said “anong tawag dito? Your husband understood what you mean 😊 your baby girl is so adorable 😍parehas tayo ng master bedroom walang decor 😊 pero ok lng”