Mikee Agustin at Yexel Sebastian, masaya nilang inanunsyo na sila ay magkakaroon na ng anak

Sunod sunod nga naman ngayon ang nga blessings na dumarating sa mga celebrities. Halos sa kanila ngayon ay nabubuntis at masayang masaya nila itong ibinabahagi sa atin.
Ang “Pinoy Big Brother 737” housemate na si Mikee Agustin ay masayang ibinalita na buntis siya sa unang anak nila ng kaniyang partner na si Yexel Sebastian, isang toy collector at content creator.

Credit: Mikee Agustin instagram

Mapapanood sa kanilang vlog ang kanilang pagbabahagi nito. At dinaan pa nila ito sa isang prank. Ikinwnto pa nila ang kanilang “Buntis si Mikee Prank” para sa kanilang kaibigang si Vhong Navarro.

Credit: Mikee Agustin instagram

“Actually, hindi naman talaga si Kuya Vhong ang pina-prank namin kung hindi kayo. Hindi kasi sa amin ganoon kadali na ilabas agad-agad. Kaya kung napapansin niyo kada live namin lagi siyang naka-black,” kwento ni Yexel.Kaya, isa din ito sa dahil kung bakit todo kayod si Yexel lalo na sa pagbebenta ng kanyang mga koleksyon.

Credit: Mikee Agustin instagram

“Saka ‘yung pagpupursige natin sa pagbebenta — ‘di ba nagbebenta kami — kasi magkakaroon na kami ng baby. So talagang nag-ipon kami ng pera,” sambit pa niya. .
Matatandaang noong nakaraang buwan nang ibenta niya ang kanyang Iron Man “hall of armor” sa halagang P1.4 million.

Credit: Mikee Agustin instagram

Sa kabila man ng p@ndemya at kr!sis, para kay Mikee ay isang magandang taon pa din ito.
“Siyempre nalulvngk0t kami para sa mga kababayan nating Filipino pero siyempre hindi naman lahat pare-pareho. Gaya ng sa akin, itong 2020 is sobrang blessing sa akin ito. Number 1, ‘yung baby ko paparating at maraming nangyari sa buhay ko ngayong 2020 na mas better kumpara sa 2016, 2017, 2018, 2019. Para sa akin the best po ito lalo na may regalo si Lord sa atin,” kwento pa ni Yexel.

Mayroon na nga naman daw magmamana ng kanyang mga toy collection na excited na ang lahat para sa kanila.”Siya na maglalaro ng aking mga toy, may tagapagmana na. Bagong chapter ito ng aming buhay. Sana ay kasama namin kayo sa panibagong yugto, kasama ang aming baby,” pagpapatuloy nito.