Miriam Quiambao, masayang ibinalita na isinilang na nya ang kanyang second baby na si Ezekiel Isaiah

Kilala nga naman nating lahat ang beauty queen na si Miriam Quiambao. At ngayon, masaya ang lahat para sa kanya dahil matagumpay niyang naisilang ang kanyang ikalawang anak sa edad niya na 46.
Isa nga namang milagro at regalo mula sa Panginoon ito para sa kanila ng kanyang asawang si Ardy Roberto.

Credit: Miriam Quiambao-Roberto instagram

Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak na si Ezekiel Isaiah. Wala nga namang mas sasaya pa sa new parents na ito dahil na rin sa kaligtasan at parehong malusog si Miriam at si Ezekiel.
Ziki, ang palayaw ni Ezekiel at naisilang noong July 12. Masaya ang lahat sa kaniyang pagdating at isa nga naman siya sa mga sagot sa kanilang mga dasal.

Credit: Miriam Quiambao-Roberto instagram

“Good morning! Thank you for your prayers! We are delighted to announce that our miracle baby Ezekial Isaiah ‘Ziki’ Quiambao-Roberto was born at 37 weeks and 1 day on July 12, 2021 at 6:06 p.m,”saad ni Quiambao sa kanyang Instagram post.

Credit: Miriam Quiambao-Roberto instagram

Lubos na nagpapasalamat si Miriam sa lahat ng mga nagdasal para sa kanila ni Ziki. Tunay nga namang walang imposible sa Panginoon. “Thank you to all of you who prayed and journeyed with us this far. Do keep us in your prayers as we transition into the a new season of our family life,” dagdag pa niya.

Credit: Miriam Quiambao-Roberto instagram

Isa sa kanyang mga pangalan ang pangalang Ezekiel, na nangangahulugan na “God strengthens.” Tunay nga namang kalakasan ang Panginoon sa kanilang buhay.
“Praise God who has provided, strengthens and sustained us thus far. His grace is sufficient and our dependence is on Him who has blessed us with another miracle! All praise and glory to God!” Saad pa nito.

Credit: Miriam Quiambao-Roberto instagram

Masayang masaya naman ang mga fans at netizens at lubos na nagpaabot ng pagbati para sa pamilya ni Miriam. Excited namang makita ng lahat ang baby ni Miriam.