Model at aktor na si Kit Thompson, pinakilala na ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso

Talaga namang maraming nagsusulputan na mga pangalan ngayon sa showbiz. Marami ang nadidiscover sa iba’t ibang mga platform at mga programa. Isa ang Pinoy Big Brother sa mga programa sa telebisyon na maraming nadiscover na mga talents at ngayon ay sikat na mga celebrities.

Ilan sa mga ito ay sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Loisa Andalio, Seth Fedelin, Maymay Entrata, Kisses Delavin at maraming pang iba. At ngayon, isa sa mga hottest stars sa television ay ang s3xy star na si Kit Thompson. Isang napakagaling nga naman na aktor ni Kit. Mula sa pagiging housemate ni Kuya noon, ngayon ay gumawa na siya ng kanyang sariling pangalan sa showbiz.

Maraming mga kababaihan ang nahuhumaling kay Kit. Mula sa kanyang kagwapuhan, h0tness, s3xy body at sa lakas ng dating, ay talagang mapapaw0w ka na lang kay Kit. Ang tanong tuloy ng marami, may jowa na ba si Kit?

Sorry to say, pero ang sagot ay mayroon. Sa katunayan ay nireveal na niya ang kanyang girlfriend sa kanyang IG. Siya si Ana Jalandoni. Makikita si Kit kasama si Ana sa kanilang romantic date.

Isang napakagandang larawan ang ibinahagi ni Kit noong Miyerkules. Sa kanyang caption, simpleng
“first date” na may mga heart emojis ang makikita. At bilang tugon, mismong si Ana Jalandoni ang sumagot at nagkomento sa post na “My love.”

Sa totoo lang, wala talagang may alam nito. Medyo marunong nagtago ang dalawa dahil wala talaga silang hint na ibinigay sa kanilang relasyon. Mas maigi nga naman ito na sa umpisa ay maging priv@te muna at ngayong matibay na ang relasyon ay isapubliko bilang sila ay public figures.

Si Ana ay isa ding aktres na mayroong mga upcoming projects. Pero napanood na siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” .Habang si Kit naman ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya serye na “La Vida Lena.”