Ang aktres na si Nadine Burgos Eidloth-Chua, na kilala sa entablado na Nadine Samonte, ay isang Pilipinong artista at modelo ng komersyal ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang IG aacount noong ika – 13 ng Nobyembre, kung saan silang pamilya ay tulong-tulong sa pag-aayos ng mga pagkain na ibabahagi sa mga mamamayan ng Binan at San Pedro, Laguna.

Makikita sa mga larawan kung ano ang hinanda ng pamilyang Chua para sa kanilang ibibigay na tulong. Makikita na mayroong kanin, scrambled egg, at hotdog.

Ibinahagi ng aktres na talaga naman may pagkakaisa ang kanilang pamilya sapagkat sa proseso ng kanilang pagsasagawa ng mga ibibigay na pagkain ay bawat isa sa kanila ay may ginagawa.

Ibinahagi ng aktres na sa panahon ngayon ay mas kailangan ang aksyon kaysa sa reklam0 sapagkat ngayon ay maraming nangangailangan ng tul0ng.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang asawa na si Richard Chua ay siyang nagluto sa hotdogs at siya naman ang nagluto sa itlog at ang sa kanin naman ay ang mga katulong naman.
At ang kanyang munting heather naman daw ay tumulong sa paglalagay at pag-aayos ng mga hotdogs sa styro.

Makikita rin sa kanilang larawan ang pagpose ng nila finger heart dahil sinabi daw ng kanyang anak na si Heather ay gawin ito upang magpakita ng pagmamahal sa mga tao.
Habang sa proseso naman ng kanilang pagsasagawa ng ibibigay, ang kanilang bunsong anak naman na si Titus ay tahimik na minamasdan ang kanyang pamilya.

Sa kabuuhan, nakagawa sila ng isang daan at pitung pu na pagkain. Nagpasalamat ang aktres sa pag sponsor ng cheesedogs nina @brandbuzz_ph at @cdofoodsphere dahil nakatulong ito sa pagbabahagi sa kanyang nangangailangan.
Ito ang naturang caption ng aktres sa nasabing IG post
“This is the time to help each other. Less talk and more action sabi nga ni Heather magheart daw kami kasi show love daw to the people. Last night we packed 170 meals for Binan and San pedro Area,”
View this post on Instagram
saad ni Nadine.
“Thank you @brandbuzz_ph and @cdofoodsphere for these cheesedogs ayan nagamit ko sya sa pagshare:heart:. Hubby cooked the hotdogs , i cooked the eggs and our ates cooked the rice Heather helped a lot by arranging it. These coming days we cant wait to share again.
Thank you and lets help each other God bless to all. #typh00nulysses,” dagdag pa ng aktres.