Nadine Samonte Chua, masayang pinakita ang kanyang tinanim at naharvest na mga mani sa kanilang bakuran

Isa sa mga favorite spot natin sa ating mga bahay ay ang ating mga hardin at bakuran. Bukod sa ito ang agad nakikita ng mga tao sa labas, nagbibigay din ito ng relaxation sa atin.
Marerelax ka nga naman sa mga garden at ating bakuran dahil sa green ambience nito. Mula sa mga halaman, bulaklak at bungang kahoy ay talagang mapapa wow ka sa ganda nito.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Kaya naman, marami sa atin ngayon ang pinapaganda ang mga hardin at bakuran at tinataniman na ito ng mga gulay at prutas.Mas naging uso ang pagtatanim ng mga ito sa bakuran noong magsimula ang panahon ng p@ndemya. Na kung saan ang iba ay nagtanim ng mga gulayan sa kanilang mga bahay.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Iyan din naman ang ginawa at nakahiligan ng aktres na si Nadine Samonte Chua. Isa sa kanyang mga hobby ngayon ay ang magtanim ng mga gulay at prutas.Gaya na lamang ng mapapanood sa IG na kung saan makikita ang mga tanim nilang mga mani. At ngayon, makikita na talagang napakaganda ng pagkatubo nito at ngayon ay ready to harvest na ang mga ito.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

“Hahaha ang dami nmin nakuhang mani watch our video hehe☺️ ang saya 😅 Totoo ang kasabihan pag my tinanim my aanihin hehe😅,” saad ni Nadine sa kanyang IG.
Mismong si Nadine pa ang nagharvest ng mga ito sa kanyang bakuran. Isa isa niya itong pinitas at makikitang fresh na fresh pa ang mga maning ito.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Tuwang tuwa naman si Nadine habang namimitas ng mga maning kanilang inani. Sabi nga nila, kapag may itinanim ay siguradong may aanihin.Sa pagtatanim, bahagi ang sipag at pagtitiyaga. Kaya naman, kailangang maging masigasig at matiyaga dito.


Pagod man, wala namang makakatumbas sa ngiti at saya na naibibigay nito sa tuwing mag haharvest na.Marami namang netizens ang tuwang tuwa sa post ni Nadine at pabirong humihingi sa kanya ng mga ito.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram