Nadine Samonte, ibinahagi ang enjoy na enjoy na pamamasyal nilang pamilya

Marami na ang nagbukas ng iba’t ibang pasyalan dahil marami na rin ang mga activities ang ipinahintulutan na muling gawin dahil sa patuloy na pagluwag ng mga prot0cols. Kung ang iba ay nais nilang namamasyal sa mga beach o iba pang resorts, para sa iba naman ay sapat na ang magandang tanawin upang ma-refresh at makapag-unwind.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Makikita sa Instagram post ni Nadine Samonte sa kanyang account ay namasyal siya kasama ang anak sa isang pasyalan na maganda ang view. Kapansin- pansin ang tanawin, puno ito ng puno at iba pang mga halaman at bulaklak na presko pati sa paningin. Tila sila ay naglakad-lakad o umikot sa lokasyon. Kasama niya sa picture ang mga anak niyang sina Heather at Austin.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

May caption ang post na, “Good Morning World❤️❤️❤️ Have a nice day ahead everyone. Pls take care.” Buhat niya sa picture si Austin habang nakayakap naman ang kanyang panganay na si Heather. Mapapansin rin sa picture na halata na ang kanyang baby bump dahil ipinagbubuntis ni Nadine ang 3rd baby nila ng asawang si Richard Chua.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

“Dont worry we have our masks and shields🙏🏻 God will protect us ALWAYS 🌈” dagdag pa nito sa caption. Nilinaw niya lamang na sumusunod sila pagdating sa pagsuot ng facemasks at faceshield, inalis lamang nila ito para sa picture.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Maaalalang buwan ng June nang isinapubliko ni Nadine at ng kanyang pamilya ang pagbubuntis sa 3rd baby. Kasalukuyan siyang nasa second trimester ng pagbubuntis noong magpost siya sa Instagram tungkol dito.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Nabanggit naman ni Nadine sa isang interview na hindi tulad ng pagbubuntis niya sa dalawang naunang anak ang pagbubuntis niya ngayon. Maraming strvggles ngayon ang kanyang naranasan na napunta sa muntikang pagk@laglag ng bata dahil sa mga pr3gnancy c0mplic@ti0ns. Gayunpaman ay nananatiling malakas si Nadine at kinakaya ang lahat.

Credit: Nadine Samonte Chua instagram

Ang asawa at ama ng mga anak ni Nadine ay si Richard Chua. Ang panganay nilang anak ay si Heather Sloane na isang babae habang ang kanila namang pangalawang anak ay si Austin Titus na isang baby boy. Ilang buwan na lang ay iwe-welcome na nila ang bagong miyembro sa kanilang pamilya.

Kung bibisitahin ang Instagram ng aktres, ibinahagi niya sa kanyang latest post ang isang cake na kanilang ginamit para sa kanilang gender reveal. Ang mga p@ngy@yari sa araw na ito ay mapapanood sa kanilang vlog.