Nadine Samonte, ipinakilala na ang kanilang pangatlong baby na si Harmony Saige

Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nailuwal na ng aktres na si Nadine Samonte ang kanilang prinsesa. Ngayong buwan ay inaasahan na maisisilang ni Nadine ang kanilang baby. At naging ligtas at malusog naman si baby at si Nadine. Ito pa lang ay isa ng malaking pasasalamat at maagang pamasko ni Lord sa kanilang pamilya.

Credit: @nadinesamonte instagram

Pinuri ni Nadine ang Panginoon sa kabutihan nito sa kanilang buhay. Ipinakilala na rin siya ni Nadine sa atin, si baby Harmony Saige.

“God is truly amazing🙏🏻 Thank you Lord❤️ Everyone meet Harmony Saige Chua our third/bunso.,” saad ni Nadine. Nagpasalamat din si Nadine sa lahat ng mga tumulong sa kanya lalo na ang kanyang mga doktor.

Credit: @nadinesamonte instagram

“I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything . I can say she is the best doctor talga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony. Ginagamit ka talga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful. Grabe ang journey ng third ko pero we svrv!v3d😊

Credit: @nadinesamonte instagram

Thank you also to Dra. Sua for taking care of Harmony❤️ and to all the nurses and doctors thank you 😊 Manila Doctors Hospital will always have a special place in my heart , you guys are the best😊,” pasalamat ni Nadine.

Ngayon, ay oras naman para kay Nadine na magpahinga at bawiin ang katawan. Pahabol din na nagpasalamat si Nadine sa gabay ng kanilang pastor.

Credit: @nadinesamonte instagram

“Now time to rest . Thanks everyone for congratulating us and sending prayers before ako pmunta sa OR. Thank you Pastor Ferdie for praying for me and the fam @therunningpastor appreciated it😊 Have a great day ahead. To my husband @rboy_chua thank you for taking care of the kids at mas kabado kpa kesa skin hahaha love you and the kids so much😘,” tuloy pa niya.

Credit: @nadinesamonte instagram