Nanay nina Anne Curtis at Jasmine Curtis na si Mommy Carmen, nagdiwang ng kanyang ika-60 taong kaarawan

Deserve na deserve ng ating mga ina na maging masaya sa kanilang kaarawan. Matapos ang lahat ng kanilang sakripisyo at pagpapagal para sa atin ay talagang nararapat lamang na maging masaya sila sa kanilang espesyal na araw.

Credit: Anne Curtis instagram

Kaya naman, hindi pinapalagpas ng aktres at host na si Anne Curtis ang kaarawan ng kaniyang ina na si Carmen Ojales. Nagdiriwang ngayon ng 60th birthday si Mommy Carmen kaya naman masayang masaya ang lahat para sa kanya.

Credit: Carmencita instagram

Malayo man si Anne ngayon dahil siya ay nasa Australia pa rin kasama ang pamilya, nagpaabot ito ng simple pero malaman na mensahe para sa kaniyang ina.

Credit: Carmencita instagram

“Happy 60th birthday mama
I love you very much,” saad ni Anne sa IG.

Kalakip ng mensahe ay makikita ang throwback picture ni Mommy Carmen. Makikita ang kanyang old photo na may hawig ni Anne. Sa kanya nga naman nagmana si Anne sa kanilang angking kagandahan.

Credit: Carmencita instagram

Kaya naman, sa espesyal na araw ni Mommy Carmen ay ipinaabot ni Anne ang kanyang mensahe at pagmamahal. Malayo man sa isa’t isa ay hindi naman magbabago ang kanyang pagmamahal sa ina.
Nagpaabot din ng mga pagbati ang mga netizens sa social media na masaya sa 60th birthday ni Mommy Carmen.

Credit: Carmencita instagram

“Happy birthday mam Carmen,more blessing to come stay healthy and stay safe”
“That’s how I remember your Mom’s face when we were still in Mandaluyong. Beautiful ♥️”
“Happh 60th bday sa mother m Anne. Kmukha pla ni mader nung bta p cia, carbon copy”

“Happy Birthday sa iyong mama Idol Anne & Good morning sa inyong baby Dahlia.”
“happy birthday sa mother mo po ❤️ birthday ko rin po ngayon . same pka kmi birthday ni mama mo ms anne kakatuwa ☺️”

Credit: Anne Curtis instagram

Matatandaang noong nakaraang taon ng kanyang kaarawan ay sinorpresa siya ni Anne na siya ay magiging lola na. Ngayon, ay napakalaki na ni Baby Dahlia.