Napakagandang anak ni Gabby Concepcion na si Cloie Skarne ay engaged na sa kanyang long time boyfriend na si Fredrick Hill

“I said YES!” ito ang caption na makikita sa latest post ni Cloie Syquia na half-sister ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account.Matapos ang limang taong relasyon bilang mag boyfriend at girlfriend sa wakas ay lumevel up na sa engagement stage ang relasyon ni Cloie at ni Fredrick.

Credit: Cloie Skarne instagram

Nag propose ang kanyang long time boyfriend na isang Swedish na si Fredrick Hill sa Stockholm, Sweden noong September 16.Proud na proud naman na ibinahagi ni Jenny ang mga ilang kuhang litrato sa engagement ng kanyang panganay na anak.

Credit: Cloie Skarne instagram

“They’re engaged! Beyond happy for Cloie and Fredrik! 😍 Filip and I are delighted and so happy that Fredrik is a part of our family! He is an absolute gentleman, intelligent and kind, and loves our daughter very much! Two beautiful souls have found each other! ❤️❤️❤️❤️”

Credit: Cloie Skarne instagram

Matatandaang pagkatapos ang annvlment nina Gabby at Sharon Cuneta noon ay muling nag-asawa si Gabby na isang ang Fil-American model na si Jenny Syquia. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at naging anak nila si Cloie Syquia. Hindi rin nagtagal ay nagpa @nnul rin sila noong 1996 at nag-asawa din muli si Jenny na si Filip Skarne noong 1997.

Credit: Cloie Skarne instagram

Hindi man full siblings ay naging close pa rin sina KC at Cloie at na maintain ang kanilang relasyon bilang magkapatid.Si Cloie ay pinanganak noong 1994 sa Sweden. Nag-aral siya ng Chinese language at global management sa Stockholm University. Beauty and brain din siya kaya naman siya ay tinanghal at nakoronahan bilang Miss Earth Sweden noong taong 2016 na ginanap sa Pilipinas na pumasok pa sa top eight finalists sa competition na iyon.

Credit: Cloie Skarne instagram

Sa ngayon ay masayang masaya siya kasama ang fiance at paniguradong naghahanda na sila para sa darating na kasal. Marami rin ang nag congrats na mga followers nila sa social media kagaya ng Instagram at masaya para sa couple na Cloie at Fredrick.

Credit: Cloie Skarne instagram