Napakagandang anak nina Cheska at Doug Kramer na si Kendra, nagdiwang na ng kanyang ika-12 taong kaarawan

Ang Team Kramer ang isa sa mga nakaka inspire na pamilya lalo na sa social media. Talaga namang masasabi mong puno ng inspirasyon ang kanilang kwento. Nakaka amaze din ang kanilang mga social media content gaya na lamang ng kanilang parenting style, ang kanilang bahay at mga ginagawa sa araw-araw.

Credit: Doug Kramer instagram

Kaya naman bukod sa nakakalibang ang kanilang mga vlogs ay talagang ma iinspire ka sa kanila.
Napakabilis nga naman ng panahon dahil noong June 25 ay nagdiriwang si Kendra Kramer ng kanyang 12th birthday. Si Kendra ay anak ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer. Sa kanyang kaarawan ay nagpaabot ng nakakatouch na mensahe si Doug sa kanyang dalaga.

Credit: Doug Kramer instagram

“To My Dearest Kendra. My kennykins! You’re growing up to be an incredible lady like your mommy. Your beauty is secondary to your pure heart. A responsible and hard working girl that loves to please her parents. A girl that loves to honor God by her actions. A girl that already has convictions at a young age,” saad ni Doug sa kanyang sulat para sa kanyang anak.

Credit: Doug Kramer instagram

Masaya si Doug na nakikita ang kanyang panganay na anak na lumalaki. Siyempre, monitored at talagang focus sa parenting ang mag-asawa sa paglaki ng kanilang mga anak.
Patuloy ni Doug, “God made you like this because He knows you can be a blessing and example to your siblings and to everyone watching you. I love you more everyday my little sweetheart. Happy 12th birthday Kendra!,” patuloy ni Doug.

Credit: Doug Kramer instagram

Kaya naman, proud na proud si Doug at Cheska sa kaniyang anak na si Kendra. Sinorpresa naman nila ang kanilang mga anak ng isang napakalaking playroom na kung saan makakapag enjoy sila.
Bukod kay Kendra ay mayroon pa silang dalawang anak na sina Scarlett, at Gavin.
Bumati naman ang mga netizens at mga fans kay Kendra para sa kanyang kaarawan.

Credit: Doug Kramer instagram