Napakagandang bata na si “Bikbik” pinakitaan ang mga netizen ng kanyang magaganda at nakakaaliw na mga litrato

“Beautiful Bikbik on her birthday” saad sa caption ng Nice Print Photograph sa kanilang Instagram account nang mag- post ang mga ito ng pictorial birthday shoot ni Bikbik na isang batang model upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.


Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Sa letrato ay makikita kung gaano ka- ganda si BIkbik sa suot- suot nitong Victorian dress dahil ito umano ang kanyang naging theme sa photosh00t na ito. Ang kanyang theme ay hango pa sa unang pangalan nito na Victoria.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Nagmukhang life size na manika ito dahil sa kanyang naging costume, props at background kaya naman naging maganda talaga ang resulta ng mga letrato nito dahil kuhang- kuha ang Victorian theme na kanilang hinahangad.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Hindi lamang dahil maganda ang suot at ang naging lugar kaya lumabas ng maganda ang mga letrato ni BIkbik, kung hindi dahil sa kanyang galing sa pagpo- pose at pag- bibigay ng magandang ngiti na angkop na angkop sa tema. Isama mo pa ang kanyang bright eyes at maaliwalas na mukha na taglay nito.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Matatandaang lumabas si Bikbik sa show na Jessica Soho at GMA nang mag- trending ito noong 2017 dahil sa mga OOTD pictures nito na talaga namang kinagiliwan ng nakakarami at tinagurian pa itong youngest fashion model in the world.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Noong 2017 ay marami ang napangiti at naging taga- hanga si Bikbik ng laging nagpo- post ang kanyang ina ng mga letrato nito suot- suot ang iba’t ibang outfits na bagay na bagay nito.
Sa edad na isang taon ay ibinibida na ito ng mga magulang ni Bikbik ngunit kahit na ganoon ay hindi nila akalain na magiging trending at viral ang mga letrato ng anak at sumikat pa ito.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Ang tunay na pangalan ni Bikbik ay Victoria Serrah Tonin at mayroon itong Canadian father na si Derek Tonin at ang kanyang ina naman ay isang Filipina na si Christine Tonin. Kaya naman hindi maipag- kakailang nakuha niya ang kanyang magagandang genes sa magulang niya mismo.

Credit: Victoria Serrah Tonin instagram

Noong nag- viral ito ay mayroon na itong 150, 000 followers sa Facebook at matapos ng ilang taon ay mayroon na ito ngayong 851K na followers sa edad na limang taon lamang. Hanggang ngayon ay walang- sawa pa ring naghahatid saya at goodvibes si Bikbik sa pamamagitan ng pagmo- model sa mga magagandang damit at habang lumalaki ay mapapansin kung gaano ito lalong gumaganda.