Napakagandang si Kaye Abad, nagdiwang ng kanyang ika-40 taong kaarawan

Ang kahalagahan nang pagkakaroon nang supportive na pamilya at kinakasama ay isa ngang napaka laking biyaya. Pagkat iba talaga ang dala nito sa buhay—-nakakagaan. Dahil ang mundo ay masasabi nating napaka demanding.

Credit: @kaye_abad instagram

Demanding nang ating oras, panahon, lakas, emosyunal man yan o kahit na sa anong aspeto. Nakakaubos din talaga ang mabuhay dahil sa ganitong bigat na dala nito. Ngunit kung mayroon kang malalapitan at makakapitan, iba talaga ang nagagawa nito sa atin. Mas nagiging positive at cheerful tayo sa buhay.

Credit: @kaye_abad instagram

Binabago nito ang perspektibo natin, ginagawa nitong kalmado at kasiya-siya ang bawat araw. Kung kaya tunay na dapat lang na sinisiyasat ang mga taong pumapasok sa ating buhay. Dapat lang na ito ay pasok sa ikakabuti mo, pagkat sa pamamagitan nito makakaya mong madikta ang magiging buhay mo sa mga dadaan pang panahon na kasama sila.

Sa isang Instagram post ni Kaye Abad ay kanyang minarkahan ang kanyang ika 40 na kaarawan, “Today is my day,” sabi nya sa caption. Ngunit ayon sa kanya ang post na patungkol kanyang kaarawan ay para sa kanyang mahal na asawa na si Paul Jake Castillo,

Credit: @kaye_abad instagram

“THANK YOU!” sabi ni Kaye na ayon sa kanya ay nararapat ibigay sa asawa dahil nga ito ay palaging hindi nakakalimot na surpresahin sya sa bawat kaarawan nya. Na bagamat nag sabi na nga sya patungkol dito na kung maari ay ang selebrasyon ng kanyang kaarawan ay dinner lang kasama ang pamilya ay hindi nga ito pumapayag nang ganoon lang, “– Gusto mo laging may something special sa bday ko. Salamat sir!” sabi nya pa.

Credit: @kaye_abad instagram

Ayon kay Kaye na ayos lang naman sa kanya kahit walang surprise dahil lagi naman na syang napapasaya nang kanyang asawa. Lubos ngang nagpapasalamat si Kaye sa buhay nang kanyang asawa dahil sa pagiging number 1 supporter nya sa lahat ng bagay at mga gusto nyang lakarang daan. Sa dulo sinabi nya “I love you and the boys so much”

Credit: @kaye_abad instagram

Makikita nga naman sa larawan na naipost niya na talagang magaan at masaya ang kanilang pagsasama, dahil sa mga ngiti nila sa litrato, sumakto ito sa tema na napili at kulay pagkat nakakagaan nga naman.

Kapansin pansin din ang tila di tumatandang mukha nilang dalawa dahil mga mukha pa rin silang mga bata pa. Sa huli, isang pagbati sa iyo Kaye Abad. Happy 40th birthday!