Napakagandang si Loisa Andalio, masayang nagdiwang ng kanyang 22nd birthday

Cinelebrate ngayon ng aktres na si Loisa Andalio ang kanyang 22nd birthday noong Miyerkules, April 21. Nagpost si Loisa sa kanyang Instagram account ng kanyang mga litrato na may mga balloons.
“thank you God sa panibagong taon 🙏🏼 💜 🥰 22 ✨ ✨ ✨ ✨ ✨” ito ang caption ng aktres.

Credit: Loisa Andalio instagram

Nagpapasalamat si Loisa dahil sa kabila ng pandemya, ito ay nakapag celebrate ng kanyang kaarawan. Marami din ang bumati kay Loisa at kabilang na dito ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Narito ang mensahe ng kanyang boyfriend para sa kaarawan ni Loisa “IKAW ang nag iisang TIYAK sa LIBO LIBONG DUDA 🖤 Happy birthday to you beh! ILOVEYOU! ❤️”ito ang caption ni Ronnie sa kanyang post.

Credit: Loisa Andalio instagram

Labis naman ang pasasalamat ni Loisa sa nakitang post ng kaniyang boyfriend. “Thank you beh, I love you too!” ito ang reply ni Loisa sa comment section. Matatandaang nagumpisa ang karera ni Loisa sa pag pasok niya sa isang sikat na reality show na Pinoy Big Brother. Nakilala si Losa bilang ang “Talented Darling ng Parañaque” dahil sa kagalingan nito sa pag sayaw at pag awit din.

Credit: Loisa Andalio instagram

Si Loisa ang pinakahuling naevict sa bahay ni Kuya bago pa man mabuo ang Big Four. Ngunit, hindi dito natapos ang karera ni Posa sa showbiz industry dahil ito pa ang naging simula ng kanyang pagsikat.

Credit: Loisa Andalio instagram

Nagkaroon ng kabi kabilang projects si Loisa matapos mabigyan ng mga roles sa mga pelikula at serye katulad ng “Nasaan ka Nang Kailangan Kita” na kung saan nakasama niya ang kanyang co-housemate na sina Josua Garcia at Jane Oineza.

Credit: Loisa Andalio instagram

Iilan naman sa mga pelikula na siya ay nagkaroon ng mga roles ay ang Crazy Beautiful You, Gandarrapiddo: The Revenger Squad at iba pa.Naging parte din si Loisa sa isang na all-girl dance group na GirlTrends. Ito lamang ang iilan sa nga natamasa na success ni Loisa sa showbiz industry. Kaya naman, todo ang pasasalamat niya sa naeexperience niyang biyaya ngayon at sa susunod pang mga taon.