Neri Miranda, buntis sa kanilang pangalawang anak ni Chito Miranda

Noong Linggo nga saktong Mother’s day ng inanunsyo ni Neri na buntis ito sa kanyang baby number 2.
Sa instagram ni Neri ay pinost nya ang kanyang picture sa baybaying dagat ng Pico de loro beach and country club at halata na nga ang baby bumb ni Neri sa kanyang larawan.

Credit: Neri Miranda instagram

Maiksing caption naman ang sinulat ni Neri na, “Happy Mother’s Day ❀ See you soon, our bunso. ❀”
Umani naman ng maraming komento ang post nito ni Neri at nag congratulate nga ang mga fans nya at mga kaibigan na celebrity. Samantala, si Chito Miranda naman na mister ni Neri ay nag post rin ng nakakatuwang anunsyo sa pagbubuntis ng kanyang asawang si Neri.

Credit: Neri Miranda instagram

Ibinahagi nya anv picture nila ni Neri kung saan magka pareho sila ng pose.
“Happy Mothers’ Day!!! Busog lang ako.βœŒπŸΌπŸ˜… Si Neri, magiging mommy na ulit.πŸ˜ŠπŸ‘πŸ»β€
…and again, “walaaaaang tulugaaaan!!!” Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe!
(yung feel na feel nila mag-kodakan, tapos nanggugulo ka sa likod.βœŒπŸΌπŸ˜‚)” Ang sabi ni Chito sa kanyang caption.

Sina Neri at Chito ay may isa ng anak na si Alfonso na isinilang noong November 2016.
Narito naman ang mensahe ni Chito para kay Neri nitong Mother’s day. Nag post nga si Chito sa kanyang instagram ng napaka gandang larawan ni Neri at sinulat nya sa caption na,
“Perfect.❀ “Matagal ko nang gusto ipost yung pic na ‘to, pero na-isip ko isabay nalang sa Mothers Day para isang isipan nalang ng caption hehe!

Anyway, bago matapos yung araw na ‘to, gusto ko lang magpasalamat sa iyo.
Thanks for everything, asawa ko…for changing my path, for fixing my life, and for everything that we have now. Because of you, I am exactly where I want to be in life.❀ Happy Mothers Day, Ms.Neri!!!”
“Sorry di ko na-post before midnyt…nakatulog ako ehβœŒπŸΌπŸ˜…” Dagdag pa niya.