Neri Naig at Chito Miranda, magkakaron uli ng pangalawang baby boy!

Masayang nakidiwang ang mga netizens sa celebrity couple na sina Neri at Chito Miranda matapos nilang ibalita sa social media ang gender ng kanilang soon to be born baby. Makikita sa kanilang instagram account ang dalawang posted videos.

Credit: Neri Miranda instagram

Sa latest video na inupload nila, mapapanood na ang anak nilang panaganay na si Miggy at isang batang babae ang humila ng ribbon habang ginagabayan sila ni Neri. Sa pagbukas ng box, makikitang tiny blue balloons ang lumitaw dito at madidinig sa background ang masaya at excited na kumpiramsayon ni Neri at Chito na lalake ang magiging second baby nila.

Credit: Neri Miranda instagram

Kaagad namang umulan ng samut saring congratulatory message ang nasabing post ng mag asawa at maging ang mga kaibigan nila sa showbiz gaya ni Hero Angeles, ay makikitang excited rin para sa kanila. Noong nakaraang lingo ay ibinahagi rin ni Neri sa kanyang social media account ang mga nagagandahan nitong second trimester maternity shoot na ginanap sa Mirandas Farm.

Credit: Neri Miranda instagram

November 2016 ng isilang ni Neri ang unang anak nila ni Chito na si Miggy matapos itong makunan noong taong 2015. Formal wedding naman ang naging tema ng kanilang kasal noong August 2015 na idinaos sa Tagaytay.

Credit: Neri Miranda instagram

Bagamat maraming kinaharap na issue, makikitang isa ang dalawa sa most loved couple sa showbiz ngayon dahil talaga namang pinatunayan nila ang kanilang napakatibay na pagmamahal para sa isat isa.

Nakilala si Neri Naig matapos itong sumali at madiscover sa Star Circle Quest na isang reality show sa ABS CBN. Lumabas ito sa mga teleseryeng Mula sa Puso, The Legal Wife, Dream Dad at All of Me at sa pelikulang Now that I have you, D’ anothers, Bulong at All You Need Is Pag-ibig.

Credit: Neri Miranda instagram

Si Chito Miranda naman ay isang sikat na singer song writer na nakilala matapos nitong buuin ang Bandang Parokya ni Edgar. Maraming kanta ang kanilang ginawa at isinatinig na talaga namang minamahal ng masa magpasa hanggang ngayon.

Credit: Neri Miranda instagram