New look ni Sarah Geronimo, pinaw0w ang mga netizens

Maraming netizens at fans ng magaling na singer at aktres na si Sarah Geronimo ang nagulat nang makita ang kanyang bagong haircut nang ibinahagi ng kanyang hairstylist na si RJ dela Cruz ang letrato ni Sarah sa kanyang Instagram account.

Credit: @justsarahgph instagram

Ang tinaguriang Popstar Royalty ay confident na nagpose sa harap ng camera sa kanyang bagong haircut na pixie hairstyle. Ito ang pinaka-maiksing gupit na nagkaroon si Sarah maliban sa kanyang naging bob cut noon sa movie nitong “Maybe this time” noong 2014.

Credit: @justsarahgph instagram

Maraming netizens ang nabigla ngunit kahit na ganoon ay umani pa rin ng magagandang kumento ang naging bagong look ng Popstar Royalty dahil bagay na bagay din niya mismo ang naging new haircut nito.

Credit: @justsarahgph instagram

Hindi lamang netizens ang natuwa sa naging bagong gupit ni Sarah dahil pati na rin ang kanyang mga co-stars at co-worker sa mundo ng showbiz ay nagpakita ng napaka-gandang reaksiyon sa bagong look nito. Isa sa mga nagkumento at nagbigay ng reaksiyon ay ang kasama nitong jvdge sa ‘The Voice’ na si Lea Salonga na isa rin sa mga kilalang personalidad na mayroong pixie hair na bagay na bagay din mismo nito.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Marami ring netizens ang nagsabing kamukha ni Sarah ang isa ring napaka-galing na singer na si Lea Salonga. Matapos ang isang buwan mula nang ma-reveal ang bagong look ni Sarah sa publiko ay nagkaroon ito ng upgrade sa kanyang pixie cut noon dahil ngayon ay mayroon na itong warm chocolate brown na kulay at mas pina-iksi pa ito ngayon na makikita sa post ng kanyang Hairstylist na si Celeste Tuviera sa Instagram account nito.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Ang make-up artist din ni Sarah na si Gela Laurel ay nagbahagi rin ng mga letrato ng upgraded look ni Sarah sa Instagram account din mismo nito kung saan makikita ang close-up look ng Popstar Royalty.
Kasabay ng pag-upgrade ng kanyang look ay ang pag-upgrade rin ng ganda ni Sarah dahil bagay na bagay niya talaga ang kanyang mas magandang haircut ngayon.

Credit: Gela Laurel Stehmeier instagram

Tila ba ito ang nakalaang hairstyle sa kanya dahil lalong tumingkad ang ganda nito. Kaya naman talagang masasabing isa sa mga naging magandang desisyon ni Sarah ang kanyang naging bagong hairstyle.

Credit: @justsarahgph instagram

Sa letratong ibinahagi ni Gela ay confident na naka-pose si Sarah upang ibida ang kanyang look sa araw na iyon. Mula sa kanyang hairstyle hanggang sa make-up at accessories nito, lahat ay lalong nagpa-ganda sa aktres at singer. Ang naging bagong look ni Sarah ay tila naging 2.0 version nito dahil mas naging sophisticated at confident ang kanyang datingan.