New Mom na si Assunta De Rossi, ipinaliwanag kung saan nya nakuha ang napakagandang pangalan ng kanyang baby na Guilia Florentina Alessandra

Marami ang na excite nang mabalitaan nating lahat na opisyal ng magiging ina ang aktres na si Assunta De Rossi. Taong 2020 nang ibalita sa atin na buntis na siya at kamakailan lang noong nanganak na si Assunta at nakita na nga nating lahat ang napakagandang anak ni Assunta.

Credit: Msderossi instagram

Ang cute na cute na baby ni Assunta ay si baby Fiore na ipinakita sa kanyang Instagram. Sa caption ng larawan ni baby, ikinuwento ni Assunta ang buong istorya sa likod ng buong pangalan ni baby na Giulia Fiorentina Alessandra.

Credit: Msderossi instagram

Ang unang dalawang pangalan ni baby na Guilia Fiorentina ay tribute para sa lolo’t lola ni Assunta sa kanyang ama. Turo ni Assunta, ang G daw sa pangalan ni Guilia ay substitute sa J kaya binibigkas siya na “Gi” dahil walang J sa Italian Alphabet.

Ang naturang pangalan ay galing sa kanilang great grand father na si Don Julio na kaniyang lolo.
Samantala, sa pangalan na Fiorentina, ay sa kanyang Lola Puring.

Credit: Msderossi instagram

“It is a tribute to her paternal great-grandmother, Doña Florentina aka Lola Puring,” saad ni Assunta.
Pinili naman ni Assunta ang Italian spelling ng pangalan ni Fiore. Kaya naman, ibinahagi ni Assunta ang larawan ng mag-asawang “Lola Puring at Don Julio.”

Credit: Msderossi instagram

Sa pangalan naman na Alessandra, tribute naman ito sa pangalan ng kanyang close na close na kapatid na si Alessandra. Sa katunayan ang pangalang Alessandra ay galing sa pangalan ng kanilang “Lola Alejandra o Inang.”

Gustong gusto din ni Assunta ang meaning ng Alessandra kaya niya ito nilagay sa pangalan ng kanyang anak. Nangangahulugan kasi ito na defender at protector.

Credit: Msderossi instagram

“I hope she knows how much we wanted her,” kwento naman ni Alessandra.Samantala, naisilang si Baby Fiore, baby ni Assunta at Jules Ledesma noong October 23. Excited naman ang lahat na makita ang paglaki ni Baby Fiore