Nikki Gil at asawa nitong si BJ Albert, magkakaroon na ng baby number 2!

Golden voice at magaling na acting skills ang ipinamalas ni Nikki Gil sa showbiz. Kaya naman, no doubt kung bakit hanggang ngayon ay nakatatak sa mga fans ang galing ni Nikki at talagang naaalala at namimiss siya sa entablado at telebisyon.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Walang duda na idolo siya ng lahat dahil sa kanyang skills at talento. Pero kahit walang kupas ito, mas minabuti muna ni Nikki na magpahinga muna at piliin muna ang kanyang ibang prayoridad sa buhay.
Syempre, prayoridad din ni Nikki ang kanyang pamilya. Masayang nag-asawa si Nikki kay BJ Albert na kalaunan din ay nakabuo sila ng kanilang pamilya. Unang naging anak nila si Finn na manang mana sa kanyang mga magulang.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Kaya naman, bagong suprise para sa lahat ang balita na preggy si Nikki sa kanilang ikalawang anak ni BJ. “Ready, Kuya Finn?,” post ni Nikki. Siyempre, marami ang tuwang tuwa at masaya para kay Nikki at BJ. Lalo na at magiging Kuya na si Finn. Kitang kita nga naman sa baby bump ni Nikki na buntis siya.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Kaya naman, masaya din ang mga kaibigan, kaanak at maging mga kasamahan ni Nikki sa showbiz. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens ukol dito: “Wow Baby 2 is coming… So happy to see you so happy Miss Nikki one of my fave actress… God Bless you and your family..”

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

“You are beaming with joy and gladness Ms. Nikki. Always stay blessed you and your family. “
“C0ngrats Nikki and BJ hope girl na 4ever gorgeous my fave actress host singer! ❤️

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

“Awww congraaaaats & i love you Ms. Nikki! Super blessed ka with your fam sana patuloy pa kayo maging strong ♥️♥️” “Congrats for your second baby … Kailan ulit ang stage appearance mo nkkamiss ko lalong hindi muna ks may coming na … kuya na sa Finn”