Nikki Gil, masayang ipinakita ang kanyang lumalaking baby bump

Nagbigay ng update ang dating aktres na si Nikki Gil sa kanyang mga fans matapos magpost ito ng kanyang baby bump sa kanyang Instagram account. Makikita si Nikki na mayroong baby bump sa kanyang pangalawang anak. Makikita ang freshness sa kanyang pulang dress kasama ang kanyang second upcoming baby.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

“Tyan check,” ito ang kanyang caption sa nasabing post. Nakisaya naman ang kanyang kasama sa showbiz industry na sinaIza Calzado, Pauleen Luna, Rachelle Ann Go, Mariel Rodriguez, at Marvin Agustin dahil sa nakitang baby bump. Lahat sila ay excited ng makita ang susunod na baby ni Nikki.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Noong April inanunsyo ni Nikki na sya ay magkakaroon na ng pangalawang kasama ang kanyang asawa na si BJ Albert. Ang kanyang asawa na si BJ ay isang businessman.

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Sa isa pang post ng dating aktres, makikita na hawak nito ang kanyang baby bump. Sa susunod na litrato naman ay makikita ang picture kasama ang kanyang panganay na hawak ang tiyan ni Nikki at sinabi sa caption na “Ready, Kuya Finn?”

Credit: Nikki Gil-Albert instagram

Naikasal sina Nikki at ng kanyang asawa na si Bj sa isang garden ceremony sa Sta. Elena Gold and Country Club sa Lagnuna noong 2015. Kayanaman, sila ngayon ay 6 years nang magkasama. Nagkakilala ang dalawa sa Ateneo De Manila University dahil sila ay magka schoolmates noon.

Naipanganak si Finn, ang kanilang unang anak, noong Nobyembre 2017. Nakicongratulate naman ang netizens sa nakita nilang baby bump sa IG ni Nikki. Kaya naman, narito ang iilan sa kanilang nga komento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

“Wow Baby 2 is coming… So happy to see you so happy Miss Nikki one of my fave actress… God Bless you and your family..” “Yay! Congrats, Nikki and BJ! Rejoicing with you. Kuya Finn so excited na ha. 😍”
“Wow.. Congratulations my forever Idol Ms.Nikki Gil. You’re so pretty inside & out. I love you Ms. Nikki.”