Nikki Valdez, may sweet na birthday greeting at throwback photo para sa birthday girl na si Carmina Villarroel

Ang pagkakaroon ng isang kaibigan ang isa sa mga pinaka-magandang nangyayari sa ating buhay dahil isa ang mga ito sa mga rason kung bakit tayo sumisigla at nagkakaramdam ng saya. Bukod sa ating mga pamilya, sila rin ang pinaka-malapit sa’tin at kaagapay sa saya o lungk0t man.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi instagram

At isa ang kilala at magaling na aktres na si Nikki Valdez ang labis nagpapasalamat na mayroon itong malapit na kaibigan tulad ng aktres na si Carmina Villaroel. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Nikki ng magandang letrato sa kanyang Instagram account upang batiin ang kanyang kaibigan na si Carmina sa kaarawan nito.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi instagram

“Some time, not too long ago mga 11 years ago lang… Hahahaha!), our paths crossed unexpectedly and just instantly formed a friendship unknown to many. Happy Birthday, ate Mins!!!! @mina_villaroel💕💕💕I wish you all the best today and always. I love you!💖” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi instagram

Ang ipinost na letrato ni Nikki ay isang throwback photo nila ni Carmina na 11 years ago pa. Mapapansin sa letrato na close na close talaga ang mga ito dahil yakap-yakap pa ng mahigpit ni Carmina si Nikki habang parehong may matamis na ngiti.

Credit: Nikki Valdez instagram

Nabanggit sa caption na maraming netizens ang hindi nakakaalam sa kanilang magandang pagkakaibigan at halos ngayon pa lamang talaga nila naisa-publiko ang matagal at matatag na friendship ng mga ito hanggang ngayon.

Credit: Nikki Valdez instagram

Makikita sa letrato na kahit 11 years ago na ang nakalipas ay wala pa ring kupas ang ganda ng dalawang aktres dahil para bang kahapon lamang kinuhanan ang letrato at hindi man nag-iba ang mga itsura ng mga ito dahil hanggang ngayon at batang-bata pa rin silang tignan.

Credit: Nikki Valdez instagram

Hindi naman pinalampas ni Carmina ang mag reply at magkumento sa pag-bati ng kanyang kaibigan.
“Thank you dear @nikkivaldez_ I love your cake. Miss and love you too💙” saad nito sa comment section.

Credit: Nikki Valdez instagram

Matatandaang nakilala si Nikki sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang galing sa pag-kanta at pag-arte kaya naman hindi na nakakapag-takanag maraming oportunidad ang nagbukas para rito at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong napapanood sa Philippine television at isa ito sa mga artistang matagal na sa mundo ng showbiz.

Credit: Nikki Valdez instagram