Oyo Sotto, may sweet na sweet na birthday message sa kanyang napakagandang asawa na si Kristine Hermosa

Masasabi nga naman nating isa sa pinaka matagumpay na celebrity couple dito sa Pinas ay ang ilang taon ng mag-asawa na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.Matagal tagal na rin silang mag-asawa at sila ay talaga namang masaya sa kanilang relasyon kasama ang kanilang mga anak, one big happy family nga naman.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Kaya, sa espesyal na araw ni Kristine ay sinigurado ni Oyo Boy na siya ang pinakaunang babati sa kaniyang misis.Isang sweet at sincere birthday message ang pinost ni Oyo sa kanyang IG account.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

“Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, sa pag aalaga mo sa akin at sa ating mga anak. Maraming salamat sa pag mamahal mo. Mahal na mahal kita…,” saad ni Oyo.


Nagbalik tanaw pa si Oyo sa kanilang throwback picture na nakuhanan pa 10 years ago na pinost kalakip ng kanyang birthday message.”Found old pictures from 10 years ago, back when you guested in Midnight DJ 😂 Few months before our wedding❤️ @khsotto,” dagdag pa niya.

Credit: Oyo Sotto instagram

Matatandaang ang larawan na ito ay nakuha sa set ng TV5 series na Midnight DJ na kung saan isang radio DJ si Oyo na tumutulong sa mga problema ng mga listeners.
Unang nagtagpo ang dalawa sa pelikula nila noong 2010 na isang Metro Manila Film Festival entry na Enteng Kabisote: Okay Ka, fairy Ko The Legend.

Credit: Oyo Sotto instagram

Wala daw talagang atraksyon sa kanilang dalawa at hindi nila inasahan na aabot sila sa isang matibay na relasyon.“Alam naman niya yun. Hindi ko siya na-notice talaga. Kaya wala akong masasabing first impression sa kanya,” pagkukukwento naman ni Kristine.

Credit: Oyo Sotto instagram

Kaya naman, ang pagkakaibigan na mayroon sila ay naging isang nakakakilig na love story hanggang ngayon na sila ay officially married na at nakabuo na ng sariling pamilya.