Panganay na anak ni Kylie Padilla na si Alas, masayang nagdiwang ng kanyang ika-4 na taong kaarawan

Kailan lamang nang mag-celebrate ng 4th birthday ang panganay na anak ni Kylie na si Alas Joaquin. Napakabilis nga naman talaga ng panahon, dati ay bagong silang pa lamang ang panganay ni Kylie ngayon naman ay unti-unti na siyang nagbibinata.

@kylienicolepadilla instagram

Nitong August 4 lang nang mag-apat na taong gulang si Alas Joaquin. Ipinagdiwang naman ang mahalagang araw na ito ni Joaquin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng simpleng birthday celebration. Sa Instagram post ng aktres, ipinasilip niya ang mga naging kaganapan sa espesyal na araw ng kanyang anak na isa rin sa mga pinaka-espesyal na araw sa kanyang buhay.

@kylienicolepadilla instagram

Ayon kay Kylie sa simula ng kanyang caption, ang plano talaga nila ay ang mag-camping ngunit dahil nag-ECQ sa kanilang lugar ay ganitong klasing selebrasyon na muna ang napagdesisyonan nilang gawin. “Masaya parin naman, this home is filled with love for him. Happy happy birthday my panganay. We love you so so much🦖” ang sabi ng celebrity mom.

@kylienicolepadilla instagram

Kahit na simpleng handaan lamang ang naganap ay mapapansin naman sa mga pictures na nagdecorate din sila. Ang mga yaya naman daw ng kanyang mga anak ang nag-asikaso dito kaya naman pinasalamatan niya ang mga ito.

@kylienicolepadilla instagram

“Sometimes it’s the simplest things that matter 🦖” pagtatapos naman ni Kylie sa caption.
Ang celebration ng baby boy ay may theme na dinosaur kaya naman mapapansin rin ang kanyang cake na ganoon din ang tema.

@kylienicolepadilla instagram

Bago pa ang nasabing post, may isa pang binahaging picture ni Alas Joaquin si Kylie kung saan ipinahiwatig niya ang nakakaantig damdaming birthday message para sa anak sa caption. Labis ang pasasalamat at sayang nararamdaman ni Kylie sa pagdating ng kanyang anak sa buhay niya.

@kylienicolepadilla instagram

“To the boy who made me mama. To the boy that changed my life. To the boy that gave me purpose and opened up my heart. To the boy who introduced me to a better version of me. Mahal kita kuya. Happy 4th birthday. 🦖” ang mababasa sa caption.

@kylienicolepadilla instagram

Si Kylie Padilla ay isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz na anak nina Robin Padilla at Liezl Siangco. Marami na rin siyang naging proyekto sa industriya kung saan na-ipamalas niya ang kanyang galing at lalong nakilala.

Isa sa mga naging big projects ni Kylie ay ang pagiging parte niya sa teleseryeng “Encantandia” na sinubaybayan ng marami. Ang ginampanan niyan karakter dito ay si Amihan. Ang ama ng anak ni Kylie ay si Aljur Abrenica.