Paolo Contis, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa kanyang litrato na nasa banyo habang naka kandong ang anak na si Summer

Sa Instagram account ni Paolo Contis ay may ibinahagi siyang post na kinaaliwan ng maraming netizens pati na rin ng mga ibang personalidad sa industriya ng Showbiz.
Makikita sa post ang picture nilang magkasama ng anak niya kay LJ Reyes na si Summer.

Credit: Paolo Contis instagram

Kung tititigan ang post ay tila simpleng picture lang ito kung saan naka close-up ang kanilang mga mukha, ngunit sa likod pala ng litratong ito ay may nakakatawang kwento.
Mababasa sa caption ni Paolo sa nasabing post “Gusto ko lang naman jum3bs ng tahimik! Yung walang naka kandong sakin! Pwede ba yun??? Syempre hinde! 😂😂😂”.

Credit: Paolo Contis instagram

Mapapansing sila ay nasa b@nyo dahil nabanggit din ni Paolo na siya nga ay tinawag ng kalikasan ngunit kasabay nito ay ang pagtawag din ng responsibilidad niya bilang ama sa kaniyang anak. Sinamahan siya ng anak niyang si Summer sa pag-j3bs at kumandong pa ito sa kanya.

Sa ibinahaging ito ni Paolo nitong July 8, 2021 ay napatunayan talagang daddy’s girl ang anak niyang si Summer. Umani ng napakaraming likes ang nasabing post. Makikita rin sa comment section ang mga natuwang netizens pati na rin mga celebrities. Isa sa mga nagcomment ay si Chariz Solomon and Kakai Bautista.

Credit: Paolo Contis instagram

“NOOOOOPEEEEEEEE” na may tatlong laughing emoticon ang sabi ni Chariz Solomon na tila sagot sa caption ni Paolo Contis. Si Kakai Bautista naman ay tawang tawa sa post at napacomment ng “HAHAHAHAHAHHAHA SUMMERRRRR!!!!😂😂”.

Credit: Paolo Contis instagram

Ang magtatay ay close talaga sa isa’t isa. Maaalalang last month lang nang nagrelease ng isang vlog na “Kwentuhan with Summer” si Paolo sa kaniyang sariling Youtube channel kung saan nagkaroon sila ng quality time ng anak na si Summer. Ang vlog na ito ay isang non-stop kwentuhan ng mag-ama habang nag-iikot sa village gamit ang kanilang sasakyan.

Credit: Paolo Contis instagram

Noong pa mang bata pa si Summer ay kilala na ang tandem nilang mag-ama sa social media dahil sa hatid nilang good vibes sa mga netizens lalo na sa Instagram kung saan nagpopost sila ng mga “Acting 101” videos.

Credit: Paolo Contis instagram

Ilang buwan bago siya mag 2 years old ay nagkaroon siya ng isang TV commercial. Namangha ang mga tao nang makita nilang tumigil umiyak ang baby girl para lamang makapag pose sa isang photo.
Si Summer Ayanna ay anak nina Paolo Contis at LJ Reyes. Ipinanganak si Summer noong January 2019.