Paolo Contis, masayang nakapag ‘staycation’ kasama sina LJ Reyes at kanyang nanay at kapatid

Ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis ang litrato ng pamilya niya na nasa pool sa kaniyang Instagram. Kasama sa litrato ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer Ayanna at ang naunang anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino na si Ethan Akio.

Credit: Paolo Contis instagram

Maraming netizens ang tuwang tuwa na makitang masaya at kumpleto ang kanilang pamilya.

Ngunit ang mas nakaaliw-aliw na caption ng aktor ang bumungad sa mga fans,
“Pamilya Staycationista! Tuturuan ko sana si Mama lumangoy! Tuturuan ko siya ng iba ibang str0kes! Biglang umayaw! Sabi niya tama na daw yung isang str0ke! Ayaw na daw niya!”

Credit: Paolo Contis instagram

Tawang tawa naman ang mga netizens sa wit at humor ni Paolo. Napakanatural nga naman talaga niya kaya bentang benta sa lahat ang kanyang mga jokes.

Credit: Paolo Contis instagram

Sa kabila nito, makikita naman dito ang pagiging family man ni Paolo. Komedyante man ito pero pagdating sa pamilya ay seryoso si Paolo at ibinibigay niya ang lahat para sa kanila.

Kilalang aktor at komedyante si Paolo Contis at siya ay naging sikat sa pagiging child star niya noon. Ang aktor na si Paolo Contis ay isang half filipino at half italian.

Credit: Paolo Contis instagram

Mapapanood ang aktor sa show na Bubble Gang na isang comedy show ngunit hindi lamang sa pagpapatawa magaling ang aktor dahil kayang kaya rin niyang umarte at magpa!yak sa mga teleserye at sa sinehan.

Isa sa mga sikat na pelikula ng aktor ay ang “Through Night and Day” na iniyakan ng marami dahil sa galing ng pag-arte ni Paolo sa big screen.

Narito naman iilan sa mga komento ng kaniyang mga followers sa nasabing post na hindi rin mapigilan ang tawa sa nasabing post.

“Hahahahahahahaha tawang tawa ako sa caption!!!” – @cesssyme
“Laughtrip talaga banat mo” – @anthony_baluyut
“Hahaha! S!ra ka talaga. Glad to see she’s doing well na” – @biggayheart