Pauleen Luna, masayang nakumbinsi ang kanyang asawang si Vic Sotto na sabayan sila na Baby Tali sa isang Tiktok dance challenge

Matagal tagal na ring mag-asawa si Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Taong 2016, ng magisang dibdib si Vic at Pauleen at isa ito sa mga kasalan na inabangan ng lahat. Talaga namang nakaka kilig ang couple na ito, na hanggang ngayon ay inaabangan ng mga netizens sa kanilang mga social media accounts.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

At siyempre, nagbunga ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang bundle of joy na si Baby Talitha o Baby Tali. Napaka cute at talagang bibong bibo si Baby Tali.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

Parang kailan lang nang siya ay isinilang at ngayon ay napakabilis niyang lumaki. Sa katunayan, sa susunod na buwan ay tatlong taong gulang na siya.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

Talaga nga namang nakaka aliw ang kanilang pamilya. Napakagandang tignan at napakapalad ni Tali sa kanyang mga magulang at pamilya.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

Pero, hindi lang puro trabaho ang inaatupag ni Vic at Pauleen. Dahil lahat ng kanilang efforts at oras ay ibinibigay talaga nila kay Baby Tali.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

Gaya na lamang ng mapapanood sa IG video na ito na pinost ni Mommy Pauleen. Makikita ang kanilang bonding na tatlo habang sumasayaw sa Tiktok application.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

“I super love my husband for doing cr@zy things with me 🤪🤪🤪 Shot this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today! I LOVE YOU @mzet280 🥰✌🏼🤪PS My daughter’s fine 🤪 The Show Must Go On ang peg ni gurl! Haha,” saad ng caption ni Pauleen.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram

Gagamitin ang nasabing video bilang opening number sa Eat Bulaga. Matatandaang di nakakapunta sa studio si Bossing dahil sa mga protocols ng IATF. Pero, syempre tuloy pa rin ang trabaho at pagpapasaya sa mga tao.


Samantala, hindi naman magpapahuli si Baby Tali. Dahil kasabay ng kanyang mga magulang ay todo din ang indak ni Baby. Natamaan man siya ni Pauleen, ay the show must go on naman at tuloy tuloy lang siya sa pagsayaw.Kaya naman, aliw na aliw ang mga netizens dito.

Credit: Marie Pauleen-Sotto instagram