Philmar Alipayo at anak nitong si Lilo, pinabilib ang mga netizen dahil sa galing sa pagsusurf

Ibinahagi ni Philmar Alipayo sa isang Instagram post na ang unang anak nito sa fiancé at aktres na si Andi Eigenman ay nakakatayo na. Hindi sa lupa, kung hindi sa isang surfboard sa dagat.
“So proud of you my brave little girl @liloislandgirl already standing up on her own” ang caption ni Alipayo sa kaniyang Instagram post na naglalaman ng video kasama ang dalawang taong gulang na anak na si Lilo.

Credit: Philmar Alipayo instagram

Pinapakita dito na tinuturuan niya ang anak kung paano tumayo sa isang surfboard.
Si Philmar Alipayo ay isa sa mga pinakamagaling na surfer sa bansa, na nanalo noong 2017 sa Philippine Surfing Championship Tour at isa rin siyang talent sa ilalim ng Viva Artist Agency.

Credit: Philmar Alipayo instagram

Nagpost naman ng isang larawan sa Instagram ang aktres kasama ang kaniyang pamilya,
“We are back to regular uploads every Sunday! We’ve been able to take more videos of our island life once again! Super grateful for all the blessings and we do believe busy is a good thing! We’re truly grateful for all your support and so we want to make sure we’ll always have something to share with you all.

Credit: Philmar Alipayo instagram

Salamat sa pagtangkilik sa aming simpleng buhay sa isla. Sana’y patuloy pa namin kayong mapangiti at kahit konti mabahagian ng mga aral at inspirasyon.” aniya sa caption nito. Unang nagkita sina Andi at Philmar sa Siargao noong 2018 at naging magkaibigan.

Credit: Philmar Alipayo instagram

“Philmar, my partner, we’ve been friends for a while and we have the same group of friends. That’s how our relationship started,” ang sabi ni Eigenmann sa isang panayam. Matatandaan naman noong Disyembre ng nakaraang taon ay inanunsyo nila ang kanilang engagement at noong Enero ng kasalukuyang taon ay ipinanganak ni Andi ang pangalawang anak kay Philmar na si Koa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Sa isang vlog nila noong Mayo 2021 ay sinabi ng aktres na hindi nila minamadali ang kanilang kasal.
“Of course hindi kami nagmamadali sa wedding kasi nga with the pandemic and all, and siyempre gusto ko naman makarating dito ‘yung family members ko, and maging safe na ang lahat as much as possible,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)