Philmar Alipayo, masayang tinuturuan ang kanyang anak na si Lilo mag surfing

Kitang kita na ang anak ni Andi Eigenmann na si Lilo ay siyang tunay na island girl!
Sa pinakabagong vlog ni Andi sa kaniyang “Happy Islanders” YouTube vlogs, ibinahagi ni Andi ang video ng kaniyang mga anak sa buhay nila sa Isla.

Source: Happy Islanders Youtube

Makikita rin dito ang isang video clip kung saan mayroon siyang surfing sessions kasama ang ama na si Philmar Alipayo, isang professional surfer. Sa kanilang vlog, unang ipinakita sa video ang pagkakataon kung saan nagkukulitan sa umaga ang kaniyang mga anak na si Lilo at ang baby niyang si Baby Koa.

Source: Happy Islanders Youtube

Makikita rin sa vlog ang isang clip kung saan makikitang kasama ni Lilo ang kaniyang ama na si Philmar. Kung saan, walang tak0t na nakikisabay sa alon ang munting paslit, tila ba sanay na sanay at nakikisayaw pa sa dagat.

Source: Happy Islanders Youtube

Noong nakaraang taon, buwan ng Hunyo, unang isinama ni Philmar ang kaniyang 10-month-old noong anak na si Lilo para sa kaniyang unang pagsu-surf. Makikita rin sa ilang mga posts ni Andi Right ang galing na surfing skills ng anak nitong si Lilo kasama ang kaniyang Ama sa tuwing sila ay nagsasaya sa isla.

Source: Happy Islanders Youtube

Si Philmar Alipayo ay isang kilalang professional surfer, siya rin ay ginawaran bilang 6th placer sa men’s short board division of the Philippine Surfing Championship Tour (PSCT), ito ang kauna-unahan at nag-iisang professional surfing tournament sa bansa.


Source: Happy Islanders Youtube

Sa ngayon, ang aktres na si Andi Eigenmann ay mas pinili ang payak ngunit masagana at masayang pamumuhay sa Isla ng Siargao, kasama ang kaniyang pamilya. Mayroon na siyang 2 supling kasama ng panganay ni Andi na si Ellie, at sabay nilang pinalalaki nang maayos sa Isla.


Source: Happy Islanders Youtube

Iniwan man ng aktres ang kaniyang buhay artista sa harap ng lente, bakas naman sa kaniya na siya ay masayang tunay sa napiling buhay Isla.