Phoemela Baranda, masayang ibinahagi ang gender ng kanilang magiging anak ng partner na si Jason Choachuy

Isa sa mga sikat na TV host at model ay si Phoemela Baranda. Nakilala siya sa kanyang angking ganda at galing na talaga namang hinangaan ng lahat. Makikita nga naman siya sa mga news and current affairs show at inabangan ng marami ang kanyang mga programa.

Sa ngayon, masaya si Phoemela sa kanyang buhay at pamilya kasama ang kanyang partner na isang businessman at professional race car driver na si Jason Choachuy. Good news ang ibinahagi sa atin ni Phoemela dahil inanunsyo niya sa IG ang mga posts at larawan ang kanilang baby shower kasama ang kanilang pamilya, kaibigan at mga kaanak.

Masayang-masaya ang mag-asawa na ibahagi sa atin na sila ay naghihintay ng isang baby girl dahil siya ay halos 10 months ng buntis. Ineexpect na siya ay manganganak sa March 2021. “We can’t wait to meet our little one. At this point you’re already so loved and we know you will be a bundle of joy to everyone,” saad niya.

Matatandaang noong nakaraang Nobyembre ay inanunsyo niya na buntis siya sa kaniyang anak sa edad na 40 years old. Samantala, kilala naman nating lahat ang panganay na anak ni Phoemela na si Kim Nichole. Naging anak niya ito sa edad na 19 taong gulang at nakilala natin siya noong siya ay pumasok sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Masaya at suportado naman si Kim sa kanyang ina,
“I know a lot of things are going to change, but I’m happy for my mom because this is such a big blessing for us to have an addition to our family since it’s always just been the two of us,” saad niya.
Inaabangan at umaasa naman ang lahat sa malusog at ligtas na panganganak ni Phoemela.