Phoemela Baranda, masayang inanunsyo ang pagdadalang tao sa edad na 40 taong gulang

Eto nga ang unang anak ni Phoemela sa kanyang partner na professional race car driver na si Jason Choachuy.

Credit: Phoemela Baranda instagram

Mayroon na ngang isang anak si Phoemela na si Kim Nichole na ngayon ay 21 years old. Isinilang ito ni Phoemela noong siya ay 19 years old pa lamang.

Sa interview nga ni Phoemela sa Preview ay sinabi nya na magkakaroon na siya ng pangalawang anak sa March 2021.
“For the gender, I will keep you posted, Keeping it a bit of a surprise!” Ang sabi pa ni Phoemela habang makangiti.

Credit: Phoemela Baranda instagram

Sa parehong interview sinabi naman ng anak nyang si Kim na nag lolook forward na sya para sa bagong miyembro na kanilang pamilya. “I know I’ll still forever be her baby.” Saad pa niya.

Wednesday November 18 ng ibinahagi ni Phoemela sa social media ang kanyang larawan at may caption ito na, “Life Begins”

Credit: Phoemela Baranda instagram

Makikita nga kanyang black and white photo kung saan naka heels pa ito at mapapansin ang paglaki ng kanyang baby bump.

Credit: Phoemela Baranda instagram

Nagkasama sina Phoemela at Jason Choachuy sa isang karera ng Formula V1 Endurance noong November 2019 at doon na rin sila nagsimula.

Credit: Phoemela Baranda instagram

Nag plano nga ang dalawa sa pagbubuntis ni Phoemela at pareho nilang gusto na magkaroon ng baby. At eto nga ang magiging unang anak ni Jason. Nakaramdam naman ng pagka lungkot si Phoemela dahil mahabang panahon ang lumipas ng sinilang nya ang anak na si Kim.

“This time the only difference is that I’m more mentally prepared but I feel the same amount of excitement and love, especially that my partner and Kim are beside me for support.” Lahad ni Phoemela.

Credit: Phoemela Baranda instagram

Maliban sa pagiging TV host at model, si Phoemela rin ay isang co-founder at director sa social media marketing PR agency, siya rin ay parte ng Beyond Yoga at The Makeover Lounge.