Pia Wurtzbach, pinaw0w ang mga netizens dahil sa kanyang malaki at bagong tahanan

Lahat tayo ay nangangarap magkaroon ng sariling bahay. Isa itong pangarap na maituturing dahil hindi biro ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Iyan din ang pangarap na mayroon noon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Credit: @piawurtzbach instagram

Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, natupad na niya ang kanyang pangarap na ito na magkaroon ng sariling bahay. At ngayon, handa na siyang lumipat dito sa kanya bagong bahay. Sa isang IG post, ipinakita ng Miss Universe 2015 sa kanyang mga fans ang pasilip sa kanyang bagong  bahay. Kung titignan, mukhang malaki ang bahay na ito, syempre bunga ito ng sipag at tiyaga ni Pia.

Credit: @piawurtzbach instagram

Bagamat hindi pa nakalipat si Pia, puno ng excitement si Pia na makalipat sa kanilang bagong bahay. Hindi din alam pano ilarawan ni Pia ang pakiramdam na ito.

“Welcome Home, Pia! Ops…practice lang! 🤭 So paano ba ‘to, BYOB na ba? Bring Your Own Bangko?,” laman ng kanyang post.

Credit: @piawurtzbach instagram

Siyempre, sinabi din naman ni Pia na hindi pa daw puno ito at wala pa talagang laman ang bahay kaya lalamnan pa lang niya ito. Sabi nga nila, ganyan daw pag nagsisimul. Unti-unti ay mabubuo din ang bahay na ating pinapangarap.

Credit: @piawurtzbach instagram

Napakahands on nga naman ni Pia sa kanyang bagong bahay. Mula sa disenyo nito, hanggang sa overall look nito ay talagang binigyang focus at attention ito ni Pia. At syempre, may puwang din ang kanyang mga fans dito kaya naman excited daw siyang makumpleto ito kasama ng mga fans.

“One of my personal projects this year is being hands-on with my new home. So excited to take you guys with me through the process!,” saad pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Ilan sa mga makikitang post ni Pia ay tinanong niya kung ano nga bang style ang gusto nila.
Isa sa mga nag reply ay ang kaibigan ni Pia na si Pauleen Luna. Nagreply ito at excited na excited para kay Pia.

Maging ang mga kasamahang beauty queens ni Pia ay nagkomento,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

“Super ganda Queen P!” saad ni Laura Lehmann.

“Open space! So excited for you.” naman ang sabi ni Sandra Lemonon.