Rachel Peters, inanunsyo na sya ngayon ay 18 weeks ng buntis

Good news at blessing nga naman ang balitang ibinahagi ng ating very own Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters. Opisyal na niyang ibinahagi ang good news na siya ay pregnant na. Sa isang black and white photo niya sa Instagram, inihayag ng beauty queen na siya ay 18 weeks pregnant na sa kanyang panganay na anak.

Credit: Rachel Peters instagram

“18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea,” saad niya sa kanyang caption. Masaya nga naman ang lahat para kay Rachel lalo na at masayang masaya din naman si Rachel sa blessing na ito.

Credit: Rachel Peters instagram

Bumati naman kay Rachel ang kanyang mga kapwa beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Samantha Bernardo, at Ganados Ganados. Maging mga celeberities ay lubos ang kasiyahan para kay Rachel na sina Anne Curtis, Coleen Garcia, Andi Eigenmann, at Sarah Lahbati. Si Rachel ay masaya sa kanyang longtime relationship sa kanyang boyfriend na si Migz Villafuerte. Nagbunga na nga ang kanilang pagmamahalan at ito na ang blessing na ito.

Credit: Rachel Peters instagram

Matatandaang isa si Rachel sa mga nagbigay karangalan sa ating bansa. Napabilang si Rachel Peters noon sa Top 10 ng Miss Universe pageant noong 2017 na talagang ikinasaya din naman ng lahat.
Matapos ang kanyang pageantry journey, pumasok naman siya sa showbiz bilang
Isa sa mga hosts ng ABS-CBN cable channel Metro’s Beach3d.

Credit: Rachel Peters instagram

Si Migz naman ay bahagi ng powerful clan sa Camarines Sur na mga Villafuerte. Siya ngayon ang Governor ng nasabing probinsya. 2019 naman ng ibahagi ng dalawa na siya at officially engaged na.
Masayang masaya ang lahat maging mga kasamahan nila sa showbiz, mga fans at netizens para sa kanilang dalawa.

Credit: Rachel Peters instagram

Narito naman ang ilan sa mga pagbati ng mga netizens:
“Congrats to Miss Peter and Mr. Villafuerte 💖” “Congrats to Mr. Peter and Ms. Rachel for the blessings.” “Ms Universe Philippines natin to before. Congrats!” “You are so lucky Peter! Congratulations Rachel!!!” “Congrats to our beloved Gov Migs villafuerte and Mrs, Rachel Peter”