Rachel Peters, masayang inanunsyo ang gender ng kanilang baby

Isa na nga siguro ang pagkakaroon ng anak sa pinaka life fulfilling moment na pwedeng maranasan ng mag partner. Sinasabi rin na isa ito sa mas nakakapag patibay ng relasyon at nagsisilbing pundasyon para sa mas magandang samahan ng dalawang taong nagmamahalan.

Credit: Rachel Peters instagram

Nitong Huwebes, Opisyal na ngang inanunsyo ng Miss Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters at ng fiancé nito na Camarines Sur governor na si Migz Villafuerte ang gender ng kanilang soon to be baby.

Credit: Rachel Peters instagram

Sa Youtube Channel ni Rachel, makikita ang isang vlog kung saan pauna ng hinulaan ni Migz at Rachel at maging ng mga kaibigan nito at ng mga magulang ni Governor Migz na baby boy ang kanilang magiging eldest baby, pero sa last part ng video, isang makulay na usok na kulay pink ang lumabas na indication na isang “baby girl” ang kanilang magiging first born.

Credit: Rachel Peters instagram

Mababakas sa mukha ng mag asawa ang sobrang saya at makikitang hindi napigilan ni Rachel ang emosyon nito matapos ang kanilang naging gender reveal. Dalawang linggo palang ang nakakaraan ng ibahagi ni Rachel sa publiko ang napakagandang balita kung saan napagaalaman na 18 weeks na itong buntis.

Credit: Rachel Peters instagram

Taong 2019 ng maengage ang dalawa at nakatakda na sanang gawin ang kanilang kasal noong nakaraang taon sa Indonesia ngunit napilitang i-p0stp0ne ng dahil sa P@nd3mya.

Credit: Rachel Peters instagram

Tila dream come true at first stepping stone ng dalawa ang pagbubuntis ni Rachel para sa kanilang life goal, dahil minsan naman ng binahagi ni Rachel sa kanyang vlog na kahit naantala ang kanilang supposed to be wedding, mayroon naman daw silang iisang bagay na gusto ni Governor Migz at yun ay ang baguhin ang kanilang lifestyle sa paraan ng pagsisimula ng pamilya.

Credit: Rachel Peters instagram

Pag kukwento ni Rachel, hindi daw naging madali ang kanilang pinagdaanan para sa kanyang pagbubuntis, umabot daw ng ilang buwan ang kanilang bl00d t3sts at pag bisita sa doctor para mag underg0 ng tre@tment para icorrect ang kanilang h0rm0nes para sa pag buo ng kanilang baby.

Bagamat naging mahirap, all worth it naman daw dahil nagbunga ito matapos nilang matanggap ang good news na magkakaroon na sila ng anak. Nakilala ang 29 years old old beauty queen matapos nitong irepresenta ang Pilipinas noong 2017 sa Miss Universe pageant kung saan napabilang ito sa top 10.