Rachelle Ann Go, pinasilip ang kanilang masayang pamamasyal ngayon bilang isang pamilya

Matapos ang halos siyam na buwan na paghihintay, matagumpay na nailuwal ng Broadway at West End star singer na si Rachelle Ann Go ang kanyang anak sa kanyang asawang si Martin Spies.
Makikita sa IG post ni Rachelle ang litrato niya kasama ang kanyang mapagmahal na asawa at kanyang bagong silang na sanggol.

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

Kaya naman, welcome to the world sa sa kanilang baby boy na si Lukas Judah Spies. Ayon kay Rachelle, nangangahulugan ang Lukas na “bringer of light”. Sa salitang Judah naman ay “praised, let Him be praised”.

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

Siyempre, todo naman ang suporta at pgbati ng mga kasama ni Rachelle sa industriya.
Isa na rito si Lea Salonga.

“Finally nandito na siya!!! Congratulations, everyone!!!,” saad ni Lea.
“How lovely! Congrats Shin and Martin!”pagbati naman ng singer na si Jonah.
At maging si Mark Bautista ay bumati, “Welcome Baby Lukas!”

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

Matatandaang Nobyembro 2020 nang sabihin nila sa publiko na buntis si Rachelle.
“Surprise! It’s finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We’re so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all,” masayang pagbabahagi ng mag-asawa.

Credit: spiesmj instagram

At sa kanilang paghihintay, ay talagang pinaghandaan at sinigurado nila na healthy si baby at si Rachelle. Excited na excite na nga naman silang mag-asawa sa kanilang paghihintay.

“We are so excited to be parents🙈 I’m not sure if I feel the n3rves yet😅 We know it’s not going to be easy but all I know is everything will be perfectly fine. God is with us♥️ We are also grateful for supportive family & friends around who have given us tons of advice.🙏🏽 Any soon to be parents out there? How are you feeling?☺️,” pahayag pa ni Rachelle sa kanyang IG.

Kaya naman, isang bouncing baby boy ang nailuwal ni Rachelle noong March 26 na talaga namang ikinatuwa ng lahat mahing mga fans at netizens.