Regine Angeles at kanyang mga anak, cute na cute sa kanilang matching outfit

Kinagiliwan ng mga netizens ang napaka cute na tila matchy matchy photos sa social media ng model actess na si Regine Angeles kasama ang kanyang dalawang napaka cute na munting anghel.

Sa instagram post ni Regine kahapon, May 23 makikitang pare parehas silang nakasuot ng iisang kulay ng damit ng kanyang mga anak at sa caption sinabi pa nito na “Sunday’s best! Thank you @twiloph for our matching clothes!”

Credit: Regine Angeles instagram

Kaagad namang umani ng samut saring komento mula sa mga netizens ang nasabing larawan at sinabing “cuteness of three in one frame” kung ilalarawan ang nasabing post.
Maging ang mga malalapit na kaibigan ni Regine sa showbiz na sina Charee Pineda, Bea Saw at Say Pineda ay di napigilang hindi puriin ang twinning ng mag iina.

Credit: Regine Angeles instagram

Taong 2016 ng ikasal si Charee sa kanyang showbiz partner na si Van Victor Leono na isa ring kilalang modelo at artista. Hindi maipag kakailang ang pinaghalong napaka gandang genes ng mag asawa ang dahilan ng nakakag!g!l na cuteness ng kanilang dalawang unang anak.

Credit: Regine Angeles instagram

Maaalalang October noong taong 2017 ng inanunsyo sa publiko ng mag asawa ang pagsilang ng kanilang panganay na lalake na pinangalanan nilang Viktor Alesso at Nobyembre ng nakaraang taon naman ng isilang niya ang kanilang baby number 2 na si Kaia Rosalie.

Credit: Regine Angeles instagram

Bagamat bata pa lamang ang kanilang mga anak, makikitang kinukuha narin ito ng ilang mga kilalang kumpanya upang mag endorse ng kanilang produkto kaya hindi malayong maging matunog ang pangalan ng dalawang bata sa pagdating ng panahon kung pipiliin nilang sundan ang yapak ng mga magulang sa mundo ng showbiz.

Credit: Regine Angeles instagram

Nag umpisang makilala si Regine matapos itong manalo sa “Be Bench” na isang model search sa ABS CBN, matapos yun ay naging sunod sunod na ang naging proyekto nito sa showbiz. Maaalalang gumanap si Regine sa ilang Star Cinema movies na Shake Rattle and Roll 12, Every Breath You Take at Wedding tayo Wedding hindi.