Rita Daniela o mas kilala bilang si Aubrey, inanunsyo na sya ngayon ay buntis sa kanyang unang anak

Kilala mo pa ba si “Aubrey” sa GMA 7 teleserye na “My Special Tatay”?

Marami nga naman ang kilig na kilig at tuwang-tuwa sa tambalang Aubrey at Boyet. Ngayon, hindi na si Aubrey ang buntis kundi ang mismong gumaganap sa karakter na si Rita Daniela. Matapos kantahin ni Rita ang “Love on Top” sa Queendom segment sa “All-Out Sundays,” inanunsyo na ni Rita ang good news na siya ay magiging soon to be mommy na.

“I’m s0 h@ppy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ‘to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” lahad ni Rita.

Masayang-masayang ibinalita ni Rita ang good news. Makikita sa kanyang mukha na talagang labis labis ang kanyang galak at tuwa sa pagdating ng kanyang baby sa kanyang buhay.
Naganunsyo din si Rita sa kanyang Instagram na may kalakip na larawan at ipinakita ang kanyang baby bump at kopya ng kanyang ultrasound.

“My child, y0u c@me just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams come true. I shall d0 anything and everything that’s best for you. Always,” lahad ni Rita sa kanyang IG.

“N@nay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita [I love you so much as early as now],” patuloy pa ni Rita.

Nakakatouch nga naman ang mensaheng ito ni Rita at napakaswerte ng kanyang future baby. Samantala, di naman niya pinangalanan ang ama ng bata. May mga komento naman na pabirong sinabi na si Boyet ang ama ng bata.

“Mukhang alam ko na Sino ama pero Congrats bagay naman po kayo ❤💜💙”

“Kaw talaga audrey.alam ba yan ni boyet.?😔😔😔😔”