Rita Gaviola o mas kilala bilang si Badjao Girl, pumukaw ng atensyon ng mga netizens dahil sa kanyang angking ganda

Wala nga namang permanente sa buhay. Kung minsan ay nasa baba tayo, at sa isang iglap tayo ay aangat. Sa iba’t ibang mga pangyayari sa ating buhay, ay talagang hindi natin inaasahan.Gaya na lamang ng tinaguriang Badjao Girl sa social media. Mula sa isang viral video niya noon na nakuhanan habang siya ay nasa Hiyas Festival sa Lucban, Quezon na nanlilim0s.

Credit: Rita Gaviola instagram

Karaniwan na sa atin na isa sa mga pumapasok sa ating nga isipan kapag sinabing “Badjao” ay ang mga batang nagpapalimos sa kalye. Bagamat may iba sa kanila na bumababa dito para manlim0s, ang kanilang pinagmulan ay isang tribo sa Mindanao.

Credit: Rita Gaviola instagram

Pumukaw naman sa atensyon ng mga netizens ang larawan ng tinaguriang Badjao Girl. Marami ang namangha sa kanyang angking kagandahan, at siya si Rita Gaviola.
At mula nang siya ay nag viral at sumikat sa social media, naging daan ito para sa mas maraming oportunidad. Dahil dito, naging contestant si Rita sa sikat na bahay na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Credit: Rita Gaviola instagram

Dito ay nakilala at nakita ang talento at pakikisama ni Rita. Marami ang mas bumilib sa kanyang pagpasok sa loob ng bahay. Ito din naman ang naging daan ni Rita para pumasok sa industriya ng showbiz.Samantala, usap-usapan naman ngayon si Rita sa social media. Marami ang bilib na bilib dahil sa kanyang mala new look na makikita ang kanyang kagandahan.

Credit: Rita Gaviola instagram

Sa paglipas ng panahon, talaga namang hindi kumukupas ang kanyang ganda kundi mas tumingkad pa ang kanyang ganda habang siya ay nag dadalaga. Patuloy naman ang kanyang karera sa showbiz..

Credit: Rita Gaviola instagram

Samantala, mayroon na rin namang mga brands ang kinukuha siya bilang endorser at talagang bilib na bilib ang mga netizens sa kanyang mga inilabas na photo shoot.
Iyan na nga naman ang bagong Rita Gaviola. Ang Badjao Girl na ating inabangan at hinangaan mula noon.

Credit: Rita Gaviola instagram