RK Bagatsing, nagpost ng mga nakakakilig na litrato nila ni Jane Oineza para sa kanyang kaarawan

Noong nakaraang ika-9 ng Mayo lang nang mag- celebrate ng 33rd birthday ang aktor na si RK Bagatsing. Noong araw rin na iyon ay nagpost ang kanyang on-screen partner na si Jane Oineza.
Makikita sa Instagram account ng aktres ang ibinahagi niyang captured moment nila ni RK Bagatsing.

Credit: Elizabeth Jane Oineza instagram

Nakatingin ang dalawa sa isa’t isa at tila sila ay nasa isang date. May sweet caption ang post na “To this amazing person, my source of happiness… Happy Birthday” na mayroon pang pahabol na k!ss emoji sa bandang dulo.

Credit: Elizabeth Jane Oineza instagram

Simpe lamang ang picture at caption ngunit napakaraming kinilig sa social media at naging masaya para sa dalawa. Matatandaang hindi lamang mag on-screen partner ang tingin ng mga ibang netizens lalo na ang mga tagasuporta sa kanila dahil sa rumored romance na nababalita sa magka-loveteam.

Ang post na ito ay tila nagsilbing confirmation sa lahat ng speculations na kumakalat na sila ay magkarelasyon kung saan inilarawan niya rito si RK Batsing bilang kanyang “source of happiness”.
Hindi naman nabigo ang aktres na pakiligin ang kanyang ka loveteam dahil mababasa ang reply ng aktor sa nasabing post na “Kinilig ako.”

Credit: Elizabeth Jane Oineza instagram

Ngunit hindi lamang si RK ang napakilig ni Jane kundi ang napakaraming tagasuporta pati na rin ang iba nilang mga katrabaho o kasamahan sa industriya. Ipinahiwatig nila ang kilig pati na rin ang suporta sa dalawa sa comment section. Ang iilan sa mga celebrities na nagcomment ay sina Jake Cuenca, Joseph Marco at Antoinette Jadaone.

Credit: RK Bagatsing instagram

Maaalalang nagsimula ang mga rumors na romantically involved ang dalawa sa isa’t isa nang maging partner sila on-screen sa unang pagkakataon sa teleseryeng Araw Gabi na inere noong 2018.
Buwan ng February nang mas lalong pag-usapan kung ano nga ba ang “real score” sa dalawa matapos nilang magbahagi ng post sa Instagram na tila silang dalawa ay magkasamang pumunta sa Lake Caliraya sa Laguna.

Credit: RK Bagatsing instagram

Nang ma-interview naman ni Boy Abunda ang aktor ay dito niya nilinaw ang lahat at sinabing “As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” kung saan tinutukoy niya rito ang kanyang 3x-girlfriend.

Credit: RK Bagatsing instagram

Habang sa isang separate interview naman itinanggi ni Jane ang rumors na boyfriend na niya si RK, gayunpaman ay sinundan niya ito ng statement na “Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating” nang tanungin siya sa posibilidad na maging opisyal ang dalawa.

Credit: RK Bagatsing instagram

Sa kasalukuyan ay masaya na ang dalawa sa isa’t isa at sa kanilang relasyon. Maaalalang nag viral ang kanilang tiktok video kung saan may pa quick-k!ss pa ang dalawa bago sumayaw.