Rocco Nacino at Melissa Gohing, Baby boy ang gender ng kanilang unang anak

“How we wonder what you are” 💙💗

Iyan ang mga katagang sinabi ng couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing. Ito ay matapos ang kanilang gender reveal party. Usong uso na ngayon ang gender reveal party.

Credit: @gohingmelissa instagram

Kung dati ay unang nakaka alam ang mag-asawa sa gender ng kanilang anak matapos ang ultrasound nito, ngayon ay iba-iba na sila ng pakulo. Ang iba’y di nila tinitignan at binibigay sa kung sinomang mag oorganisa nito para sorpresa sa mag-asawa. Ang iba nama’y alam na ng mag-asawa ang gender at sila ang gagawa ng party, at sorpresa naman sa mga kaanak at kaibigan.

Credit: @gohingmelissa instagram

At para naman kina Rocco at Melissa, masaya nilang ibinalita ang kanilang baby Boy. It’s a boy! Mukhang magkakaroon ng Junior si Rocco, dahil isang cute at makulit na baby boy ang kanilang inaasahan.

Credit: @gohingmelissa instagram

“We’re having a baby BOY!!!! So grateful to have our friends and family with us as we were surprised by our siblings last weekend!!,” saad ni Rocco. Kuha naman ng Nice Print Photography & Exige Weddings (Facebook) ang mga larawan na makikita sa kanilang gender reveal party.

Credit: @gohingmelissa instagram

Sa isa namang post ni Melissa, makikita kung paanong nagsasanay at nagtatrain na daw si Rocco sa kanyang pagiging ama.

Credit: @gohingmelissa instagram

“When y0u see y0ur husband pr@cticing how to be the best dad is funny and priceless. 🤣 R0cc0 Nacin0. We had so much fun sh0pping for B@by N’s necessities at The Nest : Attachment Parenting Hub 👶 We are so grateful f0r Ms. Tiffany’s tips and advice. I had to take note of everything so I would not forget. Pr3gn@ncy br@in! H@ha! We can’t wait to go back after the gender reveal! ❤,” saad ni Melissa sa kanyang social media post.

Credit: @gohingmelissa instagram

Nagkomento naman ang mga netizens sa gender reveal party nila:

“napaka class naman ng asawa ni rocco nacino🥰 congratulations💕😊”

Credit: @gohingmelissa instagram

“Akala ko si ms. RAD sa 1st pic🤣🤣 congrats po🙂👏”

Credit: @gohingmelissa instagram

“maypani cla nakatiming ug baby boy 1st born. Congrats! ❤️”