Rodjun Cruz, masayang nagdiwang ng kaarawan kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan kasabay ng 1st month ni Baby joaquin

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Masayang masaya nga naman ang aktor na si Rodjun Cruz. Nag celebrate siya ng kanyang 33rd Birthday kasama ang kanyang pamilya na si Dianne Medina at ang napakacute na baby nila na si Rodolfo Joaquin. Siyempre, present din sa selebrasyon ang kanyang mga malalapit na kaibigan.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Nandito din ang magkasintahan na si Janine Gutierrez at si Rayver Cruz, kapatid ni Rodjun na isa ding kilalang aktor at dancer.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Habang kinakantahan si Rodjun ng “Happy birthday” song ay bakas ang tuwa at ngiti sa mukha ni Rodjun. Bago niya hinipan ang kanyang cake ay pinag wish muna si Rodjun.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Pagkatapos nito ay may pasabog palang itong asawa niya na kanyang pinahila kay Rodjun.
Makikita na isang money cake pala ito. Iyan daw ang gift ni Dianne at Joaquin sa kanya. Tuwang tuwa naman si Rodjun habang hinihila ito.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Magkasabay din nilang pinag diwang ang 1st month ng kanilang anak na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III. Ito na rin ang welcoming party para kay baby na nakaugalian na nilang gawin sa pamilya.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Napaka saya ng mag asawang Dianne at Rodjun dahil kumpleto at masaya sil. Kahit na p@nd3mic ay sama sama parin silang nag celebrate.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

Siyempre, sumunod parin naman sila sa protoc0l na pagsusu0t ng face masks at ang social distancing. Makikita ito sa kanilang larawan na ibinahagi sa atin.
Bumuhos din ang greetings para kay Rodjun at bukod sa birthday ay napansin naman ng mga netizens ang sweetness ng JanVer.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram

“Happy Birthday Rodjun and many many more to come,,,be blessed””Happy birthday to both of you tween brothers rayver and Rodjun cruz””Sweet nman ni rever at ni janine. Masaya sila tingnan natutuwA talaga ako sa kanila.””ang sweet ng 2 sa likod oh kita nio❤️💜❤️ happy birthday rjay🎂””Woooahh #Janver ohh ang sweet..😍😍 kakiLig…..btw. Happy birthday🎂🎁Kua RJ.”.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre instagram