Ronnie Liang, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang pinost na throwback na litrato

Naranasan mo na bang mapa-halungkat nang mga gamit mo sa bahay na habang ginagawa mo iyon ay mapapahinto ka na lamang dahil may nakita kang larawan mo noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

At mapapa buntong hininga ka nalang bigla dahil may mga naalala kang mga bagay noon at mapapansin mo nalang ang sarili at mapapasabi na

“ito na pala ako, malayo na sa dating noon”.

Tunay na madami tayong nadadaanan sa buhay, kung kaya ang mga alaala na ating nagawasa nakaraan ay dapat hindi iniiwan, pagkat nararapat lamang itong balik balikan dahil may halaga ito sa ngayon natin.

Sa isang post ni Ronnie Liang ay makikitang nag share ito nang kanyang lumang ID picture at picture na malapit sa panahon ngayon. Kung saan pinakita nya ang larawan nya noong high school katabi ng kanyang ID nang kukuha sya nang kanyang master’s degree, “time flies so fast” sulat nya sa caption na sinundan nang mga hastags na ‘#highschool at #mastersdegree’

Makikita nga na tila walang pinagbago ang larawan maliban sa mas naging manly na pagmasdan si Ronnie dahil sa kanyang looks at vibes na binibigay. Hindi tulad nang sa larawan nya noong high school na cute cute syang pag masdan.

Hindi pa din naman nawala ang kanyang gandang lalaki sa dalawang ID picture na naipost nya.
Marami naman sa mga netizens na kinagiliwan din ang kanyang throwback photos na umani nga nang iba’t ibang reaksyon, ”

hi oppa”, “so cute and nice throwback picture grabe super ang nag iba n(a) talaga yung face mo na talaga namang super gwapo mo talaga promise, nice one”,

“gwapo pa rin hanggang ngayon sir ron”, “walang pinagbago” at marami pa ngang iba.

Sa ngayon, simula nang ito ay naipost ay nakakalap na ito nang 5,536 na likes. Tunay nga na napaka bilis nang panahon, kung kaya ang pag cherish dito anuman ang sitwasyon ay nararapat lamang dahil minsan lang ang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


Si Ronnie de Guzman Liang o Ronnie Liang ay isang Filipino singer, actor, model, at influencer. Sya rin ay isang @rmy Reservist at isang licensed private pilot. Sya ay kasalukuyang nag aaral ng Commercial Pilot and Instructor at Pilot Training sa Pilipinas Space and Aviation Academy Incorporated, at nag Master’s Degree sa Management Major in National Security and Administration sa Philippine Christian University.

Sya ay former finalist nang isang popular reality-talent search franchise sa Pilipinas na Pinoy Dream Academy na nabingwit nya ang pangalawang karangalan.