Rosanna Roses, sinabing sya ay natulala sa mamahaling bag na niregalo sa kanya ni Sharon Cuneta

Binigyan nga ni Sharon Cuneta ng isang mamahalin na bag si Rosanna Roses para ibigay na regalo sa kaarawan nito. Sa instagram binahagi naman ni Rosanna Roces ang napaka gandang bag na regalo sakanya ni Sharon.

Credit: Rosanna Roses instagram

“Thank you very much for the advance b-day gift, Grabe, tulala pa ako hanggang ngayon.” Ang sabi ni Rosanna sa kanyang caption. Isang tatak Christian Dior na hand bag nga ang regalo nu Sharon kay Rosanna Roces at nakatatak din ang pangalan nito sa bag na nakasulat ang “Rosanna R.”

Credit: Rosanna Roses instagram

Wala nga masabi si Rosanna Roces sa regalo na bag sakanya ni Sharon Cuneta at hindi rin ito makapaniwala. Nagpapasalamat naman si Rosanna na lagi nandyan si Sharon para sa kanya at talaga naman napaka bait nitong kaibigan.

Credit: Rosanna Roses instagram

Samantala, tuwang tuwa rin ang mga fans ni Sharon na muling nagkita at nagkasama ang dalawang magkaibigan. Masaya nga si Rosanna Roces dahil suportado rin ang mga fans ni Sharon Cuneta sakanya. Marami rin ang na inspired sa pagkakaibigan ng dalawa dahil di nila iniwan ang isa’t-isa kahit na nahinto ito saglit at nabawasan ng palabas nila.

Credit: Rosanna Roses instagram

Bilang artista, hindi madali magkaroon ng tunay na kaibigan lalo na at bibigyan ka ng mamahaling regalo kung saan ipaparamdam na espesyal ka talaga sakanya. Nakatanggap naman ng pagbati si Rosanna Roses mula sa kanyang malalapit na kaibigan sa industriya at sa kanyang mga fans.

Credit: Rosanna Roses instagram

Ngayon nga ay nagkaroon ng pagkakataon upang magkasama na muli ang matalik na magkaibigan na sina Rosanna Roces at Sharon Cuneta sa palabas na Revirginized at kasama nila dito si Marco Gumabao. Sa pag gawa nga ng palabas na ito ay madalas na rin nagkaroon ng bonding time ang magkaibigan na sina Sharon at Rosanna Roces.