Roxanne Barcelo, ipinanganak na ang kanyang baby boy!

Batay sa post sa social media ni Roxanne Barcelo, ipinanganak na ng aktres ang kaniyang first child sa kaniyang asawa. Makikita sa Instagram Story post sa mismong Instagram account ni Roxanne noong linggo, June 6, 2021, ibinahagi ng aktres ang larawan niya na karga-karga ang kaniyang new-born child.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

May naka-attached naman ditong simpleng mensahe na “Here’s to the rest of our life. @dababycinco”.
Maaalalang sinorpresa ni Roxanne ang mga taga-suporta nang ipinubliko niya ang mga balitang pagiging married woman kasunod ng pagiging ganap nang ina.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa isang vlog at pati narin isang post noong December, ni-reveal ni Roanne na siya ay isa ng married woman. Sa kaniyang post, ibinahagi lang ng aktres ang litrato nilang mag-asawa na ikinakasal nang hindi naglalabas ng iba pang detalye tulad ng mukha ng lalaki.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Binalikan naman at ibinahagi ni Roxanne sa kaniyang vlog ang moment nang sinabi ng kaniyang asawa ang mga katagang, “I want to start a family with you,”. Para sa aktres ay ito na ang pinakamagandang planong mangyayari sa kaniyang buhay.


Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa pamamagitan din ng Youtube vlog entry kung saan nagbe-bake sila ng kapatid niyang si Timmy, sinabi ng aktres, “While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven. My bun is in the oven,” na nagpapabatid na siya ay buntis. Nasabi niya din sa kaniyang April vlog na ito ay isang baby boy.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Tulad ng pagpapanatiling pribado ng aktres sa mga detalye tungkol sa relasyon sa kaniyang kinakasama, ngayon din sa mga detalye tungkol sa kaniyang anak. Sa ngayon ay wala pa ding ibang inihayag na detalye si Roxanne tungkol sa dalawang importanteng tao sa kaniyang buhay.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Una nang ibinahagi ni Roxanne ang pagiging romantically involved sa isang non-showbiz na lalaki noong Marso 2020. Hanggang ngayon ay kaunting tao lamang ang nakakakilala sa asawa ng aktres. Sa isang interview nasabi ng aktres ang iilang detalye na “Hindi siya Filipino. Hindi siya taga dito, he’s from Hong Kong. But he lives a very private life.”.

Inamin niyang siya mismo ay isang tao na maraming ibinabahagi sa social media ngunit pagdating ngayon, sa kaniyang buhay may-asawa ay nais niyang respetuhin ang desisyon ng kinakasama na manatiling pribado.