Ruby Rodriguez, proud na proud sa anak nyang si Toni na nakapagtapos ng kolehiyo sa UP Manila

Isang karangalan at malaking bagay na maituturing para sa isang magulang na makitang makapagtapos ang kanilang anak. Sabi nga nila, ang edukasyon ang tanging bagay na maipapamana ng isang magulang sa kanyang anak. Dahil ito ang kayaman na hindi maaagaw ninuman sa atin.

Credit: Antoinette Nicole instagram

Kaya naman, proud mom talaga ang TV host na si Ruby Rodriguez. Nagpost si Ruby ng kanyang nakaka touch at espesyal na mensahe sa kanyang anak na si Toni Aquino.Makikita na nagpost si Ruby sa IG Ng kanyang pagbati para sa anak na nagtapos sa UP Manila sa kabila ng p@nd3myang ating nararanasan ngayon.

Credit: Antoinette Nicole instagram

Bukod dito, makikita din sa IG ang larawan ng kanyang anak na graduation photo na talagang makikita ang matamis na ngiti ng tagumpay ni Toni.”Its so official!! Congratulations @ninichips Im so proud of you. Its Virtual Grad #newnormal Cant wait to see you Miss u so much. I love you babe,” saad ni Ruby sa kanyang IG post.

Credit: Antoinette Nicole instagram

Si Toni ay nagtapos sa kursong BA Social Sciences sa UP Manila. Talagang napakagaling at talino ni Toni dahil siya ay nakapagtapos sa prestihiyosong paaralan.“’I am surprised you even graduated’ – me to myself, but hey, I did it,” sambit ni Toni.

Credit: Antoinette Nicole instagram

Kilala si Ruby Rodriguez sa kanyang galing sa paghohost at pagpapatawa. Pagdating sa comedy ay isa siya sa mga masasabi mo nga namang magaling dito.Kasama ni Ruby sa paghohost sa Eat Bulaga sina Vic Sotto, Joey de Leon, Pauleen Luna, Maine Mendoza at marami pang iba.


Dalawa ang kanyang anak na sina Antonio Jesus at Antoinette Aquino. Isang masipag at mapagmahal na ina si Ruby sa kanyang pamilya kaya naman hindi nakapagtataka na lumaking matatalino at responsable ang kanyang mga anak.

Credit: Antoinette Nicole instagram